^

PSN Showbiz

Angel, abala sa pag-i-scuba diving

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Habang walang proyektong ginagawa si Angel Locsin ay naghahanda na ito sa Darna. Tuluy-tuloy ang ginagawang pagbabawas ng timbang.

Katunayan nang dalawin ko ang ama niyang si Mang Angel sa bahay at tinanong ang aktres ay wala ito at nasa Batangas. Abala ang aktres sa kanyang pag-i-scuba diving. Excited na itong simulan ang Darna na isang napakalaking project sa Star Cinema.

Coco ‘‘light’’ naman ang gustong gawin

Binigyan ng bonggang birthday celebration si Coco Martin ng kanyang mana­ger na si Biboy Arboleda. Pasasalamat na rin ito ng aktor sa kanyang pagsapit ng 10 years sa showbiz. After Ikaw Lamang wala pa siyang bagong TV series. Gusto ni Coco na this time light lang ang tema at nais na pambata ang bagong project.

May entry si Coco sa Metro Manila Film Festival — Feng Shui 2 kasama si Kris Aquino.

Joyce Ching biglang nawala sa Strawberry Lane

Maraming nagtatanong kung bakit nawala sa Strawberry Lane si Joyce Ching gayung isa siya sa magagaling na bida ng serye.

May humuhula na baka magbalik ang kanyang karakter at ‘di naman siya totoong namatay. Isa si Joyce sa mga Kapuso young stars na maaasahan sa pag-arte mapadrama man o mapakomedi.

vuukle comment

AFTER IKAW LAMANG

ANGEL LOCSIN

BIBOY ARBOLEDA

COCO MARTIN

DARNA

FENG SHUI

JOYCE CHING

KRIS AQUINO

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with