^

PSN Showbiz

Jason pinaghahandaan na ang pag-aasawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa namin nakukuha ang reaction ng Two Wives lead actor na si Jason Abalos na may kina­la­man sa engagement ng kanyang ex-GF na si Je­wel Mische sa American fiancé nitong si Alister.

Pero tiyak na masaya ito para sa kanyang da­ting kasintahan na si Jewel in the same manner na ma­saya rin siya sa takbo ng kanyang personal love life ngayon sa PBB (Pinoy Big Brother) All In 4th winner na si Vickie Rushton.

Speaking of Jason, ayaw nitong magpa-pre­ssure sa sunud-sunod na marriage proposals ng iba’t ibang per­sonalidad. Naniniwala si Jason na mangyayari ito sa tamang panahon. For now, gusto muna niyang mag-focus sa kanyang trabaho at makapag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang magiging pamilya balang araw.

Pilita nababaitan kay Elmo

Wish ng Kapuso star na si Janine Gutierrez na mag-last ang relasyon nila ng kanyang More Than Words co-star na si El­mo Magalona.

Aware si Janine sa mga relasyong nagbi-break tulad ng nangyari sa kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Tanggap din daw ng kanyang parents ang re­lasyon nila ni Elmo at ma­ging ng kanyang Ma­mita (grandmother), ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales dahil nababaitan sila sa binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona. Maging si Janine ay tang­gap at close sa pamilya ni Elmo.

vuukle comment

ALL IN

ELMO

FRANCIS MAGALONA

JANINE

JANINE GUTIERREZ

JASON ABALOS

KANYANG

MASTER RAPPER

MORE THAN WORDS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with