^

PSN Showbiz

Jewel Mische tinuruan daw mag-invest noon si Richard!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-iba na pala ang hitsura ni Jewel Mische na na-interview ni Tito Boy Abunda sa The Buzz kahapon tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal sa American boyfriend.

Parang hindi na siya ang dating nakilalang girlfriend ni Richard Gutierrez.

Kung sabagay matagal-tagal na ring nawala sa eksena si Jewel simula nang lumipat siya sa ABS-CBN. I Dare You Season 2 pa last year huling napanood si Jewel.

Mas nag-concentrate yata siya sa pag-aaral.

Nabalita noon na magkakaroon siya ng launching project sa ABS-CBN nang lumipat siya from GMA pero hindi na nga natuloy hanggang biglang lumutang na ikakasal na siya.

Anyway, may isang nagkuwento na magaling mag-handle ng pera si Jewel. Ang sabi ng nagkuwento, ito ang nagturo kay Richard na mag-invest sa kung saan-saang mga negosyo. At alam daw ‘yun ni tita Annabelle Rama noon.

Hindi man naging lantaran ang relasyon nila ni Richard, alam naman ng buong showbiz na matagal silang nag-on ng boyfriend ngayon ni Sarah Lahbati.

The Voice Kids nag-vocal treat sa masusuwerteng TNT subscribers

No tricks, just a big vocal treat.

Yup, habang abala ang lahat sa trick or treat sa nakaraang Halloween, big vocal treat naman ang ginawa ng mga most talented and most famous now na bunch of kids sa bansa sa lucky subscribers ng Talk ‘N Text (TNT) and Spinnr, the country’s biggest online music portal dahil nagsama-sama ang fourth placer na sina Darlene Vibares, third placer Juan Karlos “JK” Labajo, runner-up Darren Espanto at ang grand champion Lyca Gairanod  sa Smart Tower sa Makati para bigyan ng kakaibang intimate concert ang 15 lucky winners ng TNT’s Panalo Soundtrip.

Pinatunayan ni Lyca sa kantang Narito Ako na ang talent come in all ages and sizes. Ang taas kaya ng nasabing kanta pero kering-kering bumirit ni Lyca ng isa sa mga kantang nagpanalo sa kanya sa singing contest na pambata ng ABS-CBN.

Si Darren naman ay pinabilib din ang mga lucky subscribers sa kantang Domino. Ang nasabing kanta ang nagpaikot sa upuan ng mga hurado pero pinili niya si Sarah Geronimo na mag-coach sa kanya.

Si JK naman ay kinanta ang Sway na huling pinasikat ng Pussycat Doll. Kaya napaindak ang mga lucky subscriber. Si Darlene naman ay nag-ala Rihanna sa Girl on Fire.

Lahat nang mga kinanta nila ay kasama sa kanilang first album from MCA Music.

“I miss going out with my friends for Trick or Treat this time of the year,” sabi ni Darren na dating nakabase sa Canada pero nag-decide na mag-stay na sa bansa kasama ang pamilya matapos mag-runner up sa TVK. “We would go out despite the cold, and just enjoyed asking treats from our neighbors,” pag-aalala ni Darren kung saan kino-consider naman niyang most favorite horror films niya ang Paranormal Activity, The Conjuring and Shake, Rattle and Roll.

Kuwento naman ni JK: “I have a great fear of clowns because of a story I read before.” Na-excite umuwi ng Cebu si JK para dalawin ang puntod ng ina dahil sunud-sunod ang trabaho nila matapos magsipanalo. “We have all been busy since the competition wrapped up, and this is my first time to go back to my hometown,” sabi niya bago pa nakauwi noong Undas.

Dasal naman ang panlaban nina Lyca at Darlene sa mga kuwento tungkol sa mga multo at ligaw na ispiritu. “Alam ko pong hindi ako dapat matakot kahit saan dahil lagi akong nagdadasal,” say ni Darlene. Pero si Lyca aminadong takot sa White Lady at iba pang spirits.

Anyway, going back to the Panalo Soundtrip meet and greet, nagsample din ang apat ng kanilang first major concert sa PICC, The Voice Kids All-in The Concert sa December 6. “It was a dream come true to dance with my idol, JK,” sabi ng 14-year old na si Mary Joy Palmero na first time na nakaharap ang kanyang idol pero napanood na raw naman niya ito na nag-perform ng live three times. “I still could not believe it up to now. I’m just really thankful  to Talk ‘N Text and Spinnr sa unbelievable na karanasan kong ito.”

Nagkaroon naman ng chance ang 25 year old na si Denes de Martin ang support niya kay Darren at pati na rin ng ibang fans ng bagets singer. “We’ve been following him since the sing-off rounds. We love that he is so talented and yet to humble. We all felt special having spent this moment with him through the promo,” pahayag ni Denes na administrator din ng Darrenatic Cheering Team.

Sa Panalo Soundtrip, TNT subscribers na nagsu-subscribe ng Spinnr ay magkakaroon ng chance to get up close and personal  sa mga paborito ninyong  recording stars/singers.

Since ilunsad ito last September, ang mga masusuwerteng lucky subscribers ay naka-bonding na rin si Mitoy sa kanyang album launch, concert and dinner with Klarisse de Guzman at nagkaroon pa ng exclusive meet up with Richard Poon.

Para maging updated sa Panalo Soundtrip promos, follow lang sa official account sa Facebook ng TNT (www.faceboook/com/TalkNText) and @TalkNText.

By the way, mabibili pa rin ang CD ng The Voice Kids under MCA Music at puwedeng i-download and streaming on the Spinnr app sa website nitong www.spinnr.ph.

ANNABELLE RAMA

CONJURING AND SHAKE

DARREN

LYCA

NAMAN

PANALO SOUNDTRIP

SPINNR

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with