^

PSN Showbiz

Magandang aktres naaantala ang trabaho sa kakatanong sa gagawing eksena

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Klasiko na ang kuwento tungkol sa isang magandang aktres na sa kabila ng pagkakaedad ay napakalakas pa rin ang panghalina sa mga bagets.

Kahit pa uugud-ugod na siguro siya ay mabubuhay pa rin ang mga istorya ng kanyang pagsisimula, classic na ‘yun talaga, pag-uusapan pa rin sa pagdaraan ng mga panahon.

Mahabang kuwento ng aming source, “Feel na feel niya ang pagsisimula niya sa pag-aartista. Ninanamnam niya talaga ‘yun. Kapag nagbibigay na ng mga instructions ang assistant director, napakalaki ng oras na kinakain niya sa pagtatanong.

“Inip na inip na ang mga co-actors niya, pero wala siyang pakialam, mang-uurirat pa rin siya nang mang-uurirat hanggang sa antukin na ang mga kaeksena niya.

“Kunwari, meron siyang sasampalin sa eksena, tapos, maiiyak siya sa sobrang galit. Magtatanong na siya agad sa AD, ‘How do you want me to slap him? And where? Left or right cheek? How do I cry? Will I go hysterical or will I just cry silently?’

“May mga ganu’ng factor siya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hindi siya perfectionist, hindi naman kasi siya magaling umarte agad, di ba?

“Basta, ninanamnam lang niya ang pagiging aktres niya, tanong siya nang tanong, naiirita na nga rin sa kanya nu’n ang assistant director nila, e!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan naman ay isang maselang eksena ang ginawa niya kasama ang isang magaling na beteranang aktres, umariba na naman ang mga tanong niya, nairita sa kanya ang veteran actress.

Sabi sa kanya ng beteranang aktres, “Darling, hindi mo ba napapansin? Tumatagal nang tumatagal ang trabaho dahil sa katatanong mo. Just do your thing, okey ba?

“If the production is not happy with your acting, there’s always a take two, take three, take four and so on, until you get it right!” tumatalak na sabi ng veteran actress.

May kaartehan pa rin ang magandang aktres hanggang ngayon, parang bulate pa ring kumikiwal-kiwal ang kanyang mga labi kapag umaarte siya, pero hindi na siya masyadong matanong sa mga gagawin niyang eksena.

Nakatira raw ang magandang aktres na ito sa wonderland. Copy? Ubos!

Sobra na ang kaepalan: Sen. Antonio Trillanes kinaiinisan na ng mga taga-showbiz, tinatawag na bayaning huwad

Maraming kumampi kay Richard Gomez sa pagpatol ng aktor kay Senator Antonio Trillanes. Sukat ba namang magsabi ang may kaepalan at ambisyosong mambabatas na magaling daw magsinungaling ang personalidad na iginigisa nila sa Senado, puwedeng maging artista.

Natural, bukas ang bibig sa pakikipag-argumento si Goma, ipinagtanggol ang hanay ng mga artista, ang kanyang balik naman ay puwede na palang mag-senador ang isang taong sa tear gas lang ay sumuko na.

Masyadong maliit ang pagtingin ng senador na ito sa mga artista. Alam kaya ng senador na ito, na maraming pulitiko ang naipanalo ng mga artistang umaakyat sa entablado de kampanya kapag eleksiyon?

At sa totoo lang, nakakaumay na ang paulit-ulit nitong pagdiriin kay VP Jejomar Binay, ang nagagawa nga naman ng ambisyon para sa mas mataas na posisyon, pati mga ibon sa hawla ay papatulan para makapanira lang.

Huwad na bayani kung tawagin si Senador Trillanes ng marami na­ting kababayan. Nagpapanggap daw na sakdal-linis, na makabayan ito, pero kitang-kita naman ang ambisyong maging pangulo.

Maraming artistang nasaktan sa pinakawalang komento ng senador, nagkataon lang na ang pumalag ay si Richard Gomez, ang dami-rami nang nanenegahan sa senador na ito na nagkapangalan lang naman nu’ng maganap ang Oakwood mutiny.

ANTONIO TRILLANES

JEJOMAR BINAY

MARAMING

NAMAN

NIYA

RICHARD GOMEZ

SENADOR TRILLANES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with