^

PSN Showbiz

Pag ‘di nadala sa gamot Vice baka maoperahan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw nang hindi napapanood si Vice Ganda sa programang It’s Showtime. Kamakailan ay nagpaalam ang TV host sa mga manonood na pansamantala muna siyang mawawala sa programa dahil mayroong siyang sakit ngayon. Hindi raw dapat malungkot ang mga tagahanga ni Vice dahil siguradong babalik naman siya rito. “Oo, basta kapag maayos na lahat babalik ako,” bungad ni Vice. “Medyo umayos na ‘yung itsura ng larynx ko, ng nodes ko, maaliwalas na. Hindi na siya masyadong punung-puno ng mucus. Nando’n pa rin ‘yung polyp eh na inaalam nila kung cyst siya or polyp. Kailangan kong magpahinga ng dalawang linggo. Total voice rest,” pagbabahagi ni Vice.

Abala rin ngayon ang komedyante sa shooting ng kanyang pelikula na kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. “For now hindi ko siya kayang gawin. So sabi dahil hindi ko magagawa, prinolong ‘yung gamot ng dalawang linggo pa. Kasi titingnan kung gaganda ‘yung sitwasyon after two weeks. Pero kung after two weeks hindi pa rin gumaganda ang sitwasyon, kailangan na talaga siyang operahan. Pero sabi nga ng doktor, ‘wag daw akong matakot kasi wala naman daw hihiwain sa loob,” paliwanag pa niya.

Anak ni Sen. Poe nililigawan si Myrtle

Nanliligaw daw ngayon ang apo ni Fernando Poe, Jr. at anak ni Senator Grace Poe na si Brian Llamanzares kay Myrtle Sarrosa. Nagustuhan daw ni Brian ang aktres dahil sa pagiging natural nito. “I like her that she’s not afraid to be who she is, the things that she believes in, the things that she loves, she pushes for it. One of the things I like the most is her determination kasi if talagang gusto niya, talagang she works hard for it,” pagtatapat ni Brian. Para naman kay Myrtle ay magkapareho sila ng binata sa maraming bagay. Ayon pa sa aktres ay malaki talaga ang tsansa ni Brian para maging kasintahan niya. “Yes! Kasi he’s like parang nasa kanya na lahat. Like he’s also into anime and I’m into anime. You can never run out of topic to talk with him, kasi sometimes when you’re on a date with someone and you’re talking, parang bigla na lang nakaka-silent mode. Pero with him parang dire-diretso kami and there’s no dull moment with him and lagi kaming masaya. We always do crazy, fun stuff,” paliwanag naman ni Myrtle.

Samantala, kamakailan ay nagpaseksi na rin ang aktres para sa isang men’s magazine. Wala raw problema kay Brian ang ginawang pagpapaseksi ni Myrtle at sa halip ay proud na proud ang binata para sa aktres. “I’m very proud of her because when she told me, I thought that she was joking na she’s going to be with FHM. I’ve told her na if you’re gonna do the FHM cover, you really have to work out to get there. So talagang she worked out, she runs almost every day. She goes to the gym and then now I’m proud of her,” giit ng binata.  

                                        Reports from JAMES C. CANTOS

BRIAN LLAMANZARES

GRACE POE

KASI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MYRTLE SARROSA

PERO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with