Celebrity na nakakalimot sa sarili pinagbabayad sa mga sinirang kasangkapan
How true na babawasin sa talent fee ng isang celebrity ang bayad sa mga kasangkapan na nasira niya?
Tama naman ang pasya ng management ng establishment dahil hindi puwedeng basta palampasin ang drama ng celebrity na nakalimot sa sarili.
Kapag may mali na ginawa, may katapat na kabayaran at para sa lahat ito ng mga empleyado ng establishment, hindi lamang sa celebrity na involved sa isyu. No one should be above the law ‘di ba?
Antonio Tiu hindi napipikon
Hindi ako natatakot na aminin na fan ako ng businessman na si Antonio Tiu dahil ang husay-husay ng performance niya sa senate inquiry noong Huwebes.
Never na nagpakita ng pagkapikon si Papa Tony dahil nakangiti pa rin siya, kahit harapan ang pang-ookray at panggigisa sa kanya ng mga senador.
Type ko na ma-meet nang personal si Papa Tony. Gusto ko na magkaroon ng souvenir photo na kasama siya, kahit hindi sa Rosario, Batangas ang photo shoot namin.
Datihang bold actor mas bata ang hitsura kesa sa baguhang kaeksena
Napatingin ako sa kawalan at nag-isip nang panoorin ko ang isang afternoon drama series ng isang television network.
Starring sa drama series ang veteran actor na nagpapaseksi sa pelikula noong bagets pa siya at ang baguhang aktor na sexy ang image na pilit na ipino-project.
May-I-think talaga ako sa eksena ng veteran actor at ng baguhang aktor dahil mas matanda ang itsura nito.
Matutuwa ang veteran actor sa napansin ko dahil malaki ang agwat ng edad nila ng newcomer pero mas mukha pa itong tatay kesa sa kanya.
Ruffa at Annabelle nagkaayos na
Nagkita sa isang lugar noong Thursday night ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.
Halos manigas ang leeg ni Bisaya dahil iniiwasan nito na tingnan si Ruffa pero ito ang unang lumapit at bumati sa kanya.
I’m sure, kinilig si Bisaya sa ginawa ni Ruffa pero hindi lamang niya ipinahalata. Hindi lang ako sure kung tulad ng kilig na na–feel ni Daniel Padilla nang makatanggap ito ng text message mula kay Jasmine Curtis Smith ang naramdaman ni Annabelle.
Kahit madalas mag-away sina Bisaya at Ruffa, hindi nawawala ang respeto ng Gutierrez siblings sa mga nakatatanda sa kanila dahil maganda ang pagpapalaki nina Annabelle at Eddie Gutierrez sa mga anak nila.
Therefore, mag-expect tayo na hindi magtatagal ang tampuhan nina Bisaya at Ruffa. Tiyak na magkakasundo ang mag-ina tulad ng madalas na mangyari kapag nagkakaroon sila ng hidwaan kapag hindi type ni Annabelle ang mga manliligaw ni Ruffa.
More than Words inilagay sa Primetime
May pagbabago sa airing date at timeslot ng More Than Words ng GMA 7, ayon sa text message na natanggap ko mula kay Innah ng GMA CorpCom.
Ang sey ni Innah, imbes na November 3, sa November 17 na ang telecast ng More Than Words, ang teleserye ng real-life loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
Matatapos na kasi sa November 14 ang Ilustrado at ang More Than Words ang ipapalit ng Kapuso Network.
Mapapanood ang More Than Words bago ang 24 Oras kaya ililipat sa bagong timeslot ang Strawberry Lane at ang Hiram na Alaala.
Kahit hindi nila sabihin, tiyak na nakakaramdam ng pressure sina Elmo at Janine dahil inilagay sa primetime slot ang kanilang teleserye.
- Latest