^

PSN Showbiz

Serbisyong Totoo-IMReady booth, handa na sa Undas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ika-anim na taon, muling ihahatid ng longest-running morning show sa bansa na Unang Hirit ang Serbisyong Totoo-IMReady booth sa Manila North at South Cemetery mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1.

Tampok sa nasabing booth ang mga libreng serbisyo tulad ng water refill, emergency call, cell phone charging, at ang paglalagay ng mga name tag para sa mga bata kung sakali man sila ay mawala.  Nakaantabay rin sa nasabing booth ang ilang Philippine Red Cross personnel para magbigay ng paunang lunas.

Tuloy pa rin sa Serbisyong Totoo-IMReady booth ang Palit-Bote campaign na naghihikayat sa mga bibisita sa sementeryo na magdala ng mga gamit nang plastic bottles.  Ang bawat limang used plastic bottles na dadalhin sa booth ay may katumbas na isang special giveaway. Layunin ng Palit-Bote campaign na mabawasan ang dami ng basura sa sementeryo tuwing Undas at ang pagpapalaganap ng recycling.  Ang maiipong mga bote ay mapupunta sa Tzu Chi Foundation.

 Bukas ang Serbisyong Totoo-IMReady booth simula 5am - 10 p.m. ngayong Oct. 31 at 5 a.m. - 8 p.m. sa Nov. 1. Makakasama mula sa North Cemetery para sa Unang Hirit ang batikang mamamahayag na si Arnold Clavio. Tampok rin ang nasabing booth sa 24 Oras, 24 Oras Weekend, GMA News Online (www.gmanews.tv) at maging sa GMA News social media accounts (@gmanews).

 

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

BOOTH

MANILA NORTH

NEWS ONLINE

NORTH CEMETERY

ORAS WEEKEND

PALIT-BOTE

SERBISYONG TOTOO

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with