^

PSN Showbiz

Kabaliktaran sa kasabihan sa puno ng kawayan, bokalista masyadong maangas at feeling hulog ng langit sa mga kababaihan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naiinis ang marami nating kababayan sa isang musikero na ang pakiramdam daw yata ay regalo siya ng langit sa mga kababaihan sa lupa. Masyado raw feeling ang bokalistang ito.

Maraming beses na siyang nakakaengkuwentro ng mga nagrereklamo at sa lahat ng pagkakataong ‘yun ay isa lang ang kanyang dating—mayabang at suplado.

Kuwento ng isang miron, “Nakasabay namin siya sa flight, habang naghihintay kami ng boarding time, kitang-kita namin nu’ng lapitan siya ng isang girl, gustong magpa-picture sa kanya.

“Tiningnan niya nang may kaangasan ‘yung babae, hindi raw ba niya nakikita na merong ginagawa ang taong inaabala niya? Nagte-text kasi siya nu’n.

“Hindi siya pumayag, tumalikod na bigo ang girl, pahiyang-pahiya. Napakalayo niya sa ibang kasamahan niya na kapag nilapitan mo, e, agad nang makikipag-pose.

“Kakaiba si ____(pangalan ng supladong musikero). Ang feeling niya talaga, e, napakalaking personality na niya, wala siyang ka-PR-PR!” kuwento ng aming source.

Kunsabagay, hindi nga ba’t nagkaroon din ng hindi kagandahang karanasan sa kanya ang isang aktres na may malaki nang napatunayan sa industriya? Inisnab din niya ang aktres.

At nakikialam din pala sa sequence guide ang singer na ito kapag tumatanggap siya ng mga shows sa malalayong probinsiya. Wala siyang pakialam sa billing, kapag gusto na niyang umalis sa venue ay nagpapasalang na siya kaagad-agad, mapagmarakulyo pala ang bokalistang ito.

Ang kakaiba niyang ugali ang naging dahilan kung bakit na-disband ang kanyang grupo, sobra ang kanyang kaangasan, matindi rin ang kanyang insecurity. Ayaw niyang pinapalakpakan ng audience ang iba niyang kabanda, siya lang dapat, dahil siya raw ang buhay ng grupo.

Kabaligtaran siya ng kasabihan na ang puno ng kawayan, habang tumataas, ay lalong yumuyuko. Ubos!

Claudine parang klima ang ugali, mahirap ispilengin!

Mas umigting ang pagka-miss ni Raymart San­tiago sa kanyang mga anak nang mamayapa ang kan­yang ina. Kakambal nilang magkakapatid ngayon ang matinding lungkot dahil sa pagkawala ni Mommy Chiling.

Ito ang panahong gus­tong makasama ni Raymart sina Sabina at Santino dahil mahal niya ang mga bata at malaking-malaki ang ma­itutulong ng kanilang pag­ba-bonding sa lungkot na nararamdaman niya ngayon sa pagkawala ng kanyang ina.

May pinagkasunduan na sila ni Claudine Barretto tungkol du’n, puwede niyang makasama ang mga bata sa mga panahong hindi naman siya makaaabala sa pag-aaral ng mga ito, pero hindi ‘yun natutupad.

Kahit pala pinag-usapan na sa korte ay puwede pa ring sirain para lang masunod ang kapritso? Hu­ling nagkita ang mag-aama nu’ng lamay ni Mommy Chiling.

Hiniling ni Raymart na nasa lamay ang mga bata bilang huling pagpupugay sa namayapang lola nina Sabina at Santino, pero isang gabi lang na pinayagang magpunta ni Claudine ang kanilang mga anak sa lamay, hindi na pinabalik pa ni Claudine dahil nu’ng magpunta ang mga bata sa burol ay tiyempo namang dumalaw rin sina Gretchen at Marjorie.

Ano naman ang kinalaman nina Sabina at Santino sa away nilang magkakapatid? Huling pagkakataon nang makakasama ng kanilang lola ang mga bata pero ipinagdamot pa ng aktres.

Parang klima raw ang ugali ni Claudine. Mahirap ispilengin.

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

MOMMY CHILING

NIYA

RAYMART

SANTINO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with