^

PSN Showbiz

Angeline nilamon nina Assunta at Angelica sa aktingan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Bumaha ang pagkain at drinks sa birthday/thanksgiving party ni Coco Martin sa Cities Events Place noong Miyerkules. First time na nagdaos si Coco ng grand celebration.

SCENE: Present sa party ni Coco ang mga big boss ng ABS-CBN, patunay na isa siya sa pinaka-importanteng artista ng Kapamilya Network.

SEEN: Early birds sa birthday party ni Coco ang Aquino sisters sa pangunguna ni Kris Aquino, ang kapareha ni Coco sa Feng Shui 2.

SCENE: Tikom ang bibig ni Nikki Gil nang tanungin ito tungkol sa boyfriend na ipinalit niya kay Billy Crawford. Idinaan ni Nikki sa pagngiti ang kanyang mga sagot at hindi siya napilit na sabihin ang pangalan ng bagong inspirasyon.

SEEN: Stand out sina Assunta de Rossi at Angelica Pa­nganiban sa mga eksena nila sa Beauty in a Bottle. Dapat nang mag-concentrate si Angeline Quinto sa pagkanta.

SCENE: Tie sa Best Drama category ng 36th Catholic Mass Media Awards ang Be Careful With My Heart ng ABS-CBN at Titser ng GMA News TV. SEEN: Best News Program ng 36th CMMA ang 24 Oras ng GMA-7, Best Public Service Program ang Failon Ngayon ng ABS-CBN at Reel Time ng GMA News TV. Ginanap ang 36th CMMA sa GSIS Theater noong Miyerkules.

SCENE: Ang pagdalaw ni Senator Grace Poe sa puntod ng kanyang ama na si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery noong Miyerkules. Ang libingan ni FPJ sa Manila North Cemetery ang isa sa mga pinupuntahan ng kanyang mga tagahanga na nagmumula pa sa mga probinsya na malalayo.

vuukle comment

ANGELICA PA

ANGELINE QUINTO

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEST NEWS PROGRAM

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM

BILLY CRAWFORD

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

MANILA NORTH CEMETERY

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with