^

PSN Showbiz

Pokwang may lovelife na, American actor na si Lee O’Brien na-in love sa komedyana

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balitang may namumuo umanong special friendship sa pagitan ng singer-comedienne na si Pokwang at American actor na si Lee O’Brien na nakatambal niya sa TFC movie na Edsa Woolworth?

Naging close umano sina Pokwang at Lee habang ginagawa nila ang pelikula sa America.

Kahit tapos na umano ang shooting ng Edsa Woolworth ay tuloy pa rin daw ang communication ng dalawa. Katunayan, pinuntahan pa umano ni Lee si Pokwang sa show nito sa San Diego, California kasama ang iba pang singer-comedians na sina Pooh, Chokoleit at ang singer-comedienne ring si K Brosas. May plano pa umano si Lee na dalawin si Pokwang sa Pilipinas.

Alonzo excited nang makasakay sa float para sa MMFF parade

Sa October 29 na ang finale shooting ng Prinsesa episode ng My Big Bossing pero nagsimula na rin sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon na mag-shooting ng Sirena episode kung saan papel ng isang mermaid ang gagampanan ng child superstar.

Trilogy ang My Big Bossing na kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) – ito ang Taktak na idinirek ni Marlon Rivera, ang Prinsesa na pinamamahalaan ni Joyce Bernal at ang Sirena na si Tony Y. Reyes naman ang director.

Sa tatlong magkakaibang episode na may magkakaibang kuwento ay tampok sina Bossing (Vic Sotto) at Ryzza Mae pero iba’t ibang cast ang kanilang kasama.

Sa Prinsesa episode ay ginagampanan ni Nikki Gil ang papel ng isang prinsesa. Asawa niya rito si Zoren Legaspi bilang hari. Tampok din sa nasabing episode ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach, Maricar de Mesa, Ruby Rodriguqez, at iba pa.

Kasama ni Bossing (Vic) ang kanyang nobyang si Pauleen Luna sa Sirena episode pero isa itong kontrabida. Si Marian Rivera naman ang leading-lady ni Vic sa Taktak episode.

Since matatapos na ang shooting ng Prinsesa episode, looking forward naman ang bagong child star na si Alonzo Muhlach sa promo ng My Big Bossing kung saan niya muling makakasama ang kanyang bagong kaibigan at kalaro na si Ryzza Mae. Pero ang pinakahihintay-hintay ni Alonzo ay ang pagsakay sa float ng My Big Bossing sa parade of stars on December 23.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

EDSA WOOLWORTH

EPISODE

MY BIG BOSSING

POKWANG

PRINSESA

RYZZA MAE

SIRENA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with