Yeng ayaw ng maraming taga-showbiz sa kanyang kasal
Sa February 2015 na gaganapin ang pag-iisang-dibdib nina Yeng Constantino at Victor Asuncion. Hindi pa man naikakasal ay nangangarap na raw ang magkasintahan kung ano ang gusto nilang maging anak. “Sana po girl dahil ‘yung fiancé ko po, puro lalaki silang lahat. Hindi niya naranasan talaga na mayroon silang little princess sa bahay. Girl ang gusto niya talaga,” bungad ni Yeng.
Nangangarap din ang singer na magkaroon ng tatlong anak. Plano raw nina Yeng at Victor na bumuo ng pamilya dalawang taon pa pagkatapos nilang magpakasal. “’Yung two years po namin, bukod sa pagpapalalim ng aming relationship at pag-honor sa aking management, preparation na rin po ‘yon ng magiging buhay ng anak namin,” paliwanag ni Yeng.
Samantala, ang dalaga raw ang tipo ng bride na hindi mabusisi pagdating sa detalye ng kanilang kasal. “Sobrang relaxed ako na bride. Wala po akong stress na katulad ng sinasabi ng iba. Hindi po ako talaga mahilig sa details, pero nae-enjoy ko po talaga ang pagbubutingting at pagtingin-tingin ng mga kutingting para sa wedding,” pagtatapat ng singer.
Kakaunti lamang daw ang mga artistang imbitado sa kasal ni Yeng. “Ang circle ko po kasi talaga ay mga non-showbiz, mga friends ko noong high school ako. Ang mga friend ko po ay mga non-showbiz. Definitely po, invited po ang mga Kapamilya natin, mga kapatid ko po sa ASAP, and sa Star Magic. Sa entourage ko po, kasama ko po ‘yung mga best friend ko, mga kabanda ko po rati at mga kaibigan ko from church,”
Ex ni Richard Gutierrez na si Jewel Mische natupad ang pangarap sa mapapangasawa
Mag-iisang taon nang engaged ang aktres na si Jewel Mische sa kanyang Scottish boyfriend. Isang winter wedding ceremony ang nakatakdang ganapin sa Amerika at ayon kay Jewel ay ito raw talaga ang kanyang pinapangarap. “It’s nothing grand and extravagant but it’s going to be simple with taste. He’s a Christian, his family. He proposed last Christmas,” nakangiting pahayag ni Jewel.
Kamakailan ay nakasama ng aktres ang pamilya ng binata nang pumunta siya sa Amerika. “We’re close, very much. After I graduated from Music college last March. Lumipad ako doon and I stayed there for six months. I really invested time with his family and friends. I love them so much and they love me so much. I am very much accepted, very much cherished and acknowledged,” pagbabahagi ni Jewel.
Aminado rin ang dalaga na hindi pa raw siya nahahalikan sa labi ng kanyang mapapangasawa kaya naman talagang inaabangan ni Jewel ang kanilang unang opisyal na halik sa mismong araw ng kanilang kasal. “It’s so nice, it’s so different because we’re so in love with each other without being physically intimate and yet physically attracted to each other, it’s different,” giit pa ng aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest