^

PSN Showbiz

Bet ng Bayan dumayo sa Raniag Twilight Festival ng Vigan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikisaya ang Kapuso reality-talent show na Bet ng Ba­yan sa Raniag Twilight Festival ng Vigan ngayong Oktubre 28, habang patuloy ang  paghahanap nito sa pinakamagaga­ling na Pinoy homegrown talents sa pamamagitan ng North Luzon regional finals.

Sa nasabing showdown, pagtatapat-tapatin ang anim na qualified bets (ang mga nakapasa sa auditions at provincial finals) mula Dagupan at Baguio simula 8:00 p.m. sa Plaza Sal­cedo. Makakasama nila ang Bet ng Bayan hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards.

Bawat contestant naman ay umaasang mapabibilib ang board of judges na binubuo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, at ang Ilo­kanong miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes.

‘Di rin naman magpapahuli sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco mula sa afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra na darayo rin sa Vigan para sa Raniag Twilight Parade sa ganap na 7:00 p.m.

Samantala, kahapon, Oktubre 27, pinangunahan ng GMA Artist Center talent na si Louise delos Reyes ang pagpapailaw ng Christmas tree sa Vigan public market. Kasabay nito ang naging masaya at makulay na Raniag Twilight Street Dance Competition sa Quezon Avenue. 

Mapapanood ang highlights ng Raniag Twilight Festival sa Let’s Fiesta na ipalalabas sa Nobyembre 16 sa siyam na regional stations ng GMA Network sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.

   

ALDEN RICHARDS

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

APO HIKING SOCIETY

ARTIST CENTER

CRIS VILLONGCO

RANIAG TWILIGHT FESTIVAL

VIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with