^

PSN Showbiz

Illustrado malaking tulong sa mga estudyante

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Pinapapupurihan ko ang GMA sa effort nilang makapagbigay hindi lamang ng magaganda kundi educational din na palabas sa kanilang mga manonood. Ang ganda ng pagkakasalin nila sa TV ng buhay ng ating Pambansang Ba­yani na si Dr. Jose Rizal sa Ilustrado, kung saan ay nabigyan na naman ng napakagandang role si Alden Richards bilang si Rizal. Kakainggit ang mga mag-aaral ngayon dahil malaki na ang naitutulong ng telebisyon sa kanilang pag-aaral.

Annabelle hindi kayang suwayin ng mga anak

True to form talaga si Mama Annabelle Rama. Hindi pala ito boto sa bagong manliligaw-BF ng kanyang nag-iisang anak na babae kaya kung anu-ano na lang ang itinatawag niya rito. Buti na lang at talagang mababait ang mga anak niya at dedma na lang sila sa kanya. Though sinagot ni Ruffa Gutierrez ang kanyang mommy sa social media, sigu­radong magkakaayos ang mag-ina in no time.

For sure lalambot din agad ang puso ni Bisaya at hindi matitiis ang kanyang unica hija. At saka the Gutierrez children are known for their being mabait at ma­respetong anak. Kaya congratulations, Mama Annabelle and Daddy Eddie Gutierrez sa pagpapalaki n’yo sa inyong mga anak.

Direk Peque at Lore ginulat ni Juday

Nagulat daw ang mga direktor na sina Peque Gallaga at Lore Reyes sa hu­say umarte si Judy Ann Santos. Bida si Juday sa remake ng T’yanak kung saan bida noon ni Janice de Belen. Ang bersyon ni Juday na T’yanak ay kasali sa Sineng Pambansa Horror plus Filmfest na mapapanood mula Oct. 29 hanggang Nov. 4.

In fairness to Juday, matagal nang kinilala ang husay niya bilang artista. Kaya nga hanggang nga­yon andyan pa rin siya at sumusubok naman bilang TV host dahil wala na siyang kailangan pang patunayan bilang artista.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DIREK PEQUE

DR. JOSE RIZAL

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KAYA

LORE REYES

MAMA ANNABELLE AND DADDY EDDIE GUTIERREZ

MAMA ANNABELLE RAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with