Coco pinilit lang ng manager na mag-celebrate ng birthday
Nagtapos na ang teleseryeng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin, KC Concepcion, at Kim Chiu noong Biyernes. Gusto sana muna raw makapagpahinga ni Coco ngunit kailangan niyang tapusin ang pelikulang Feng Shui na kalahok naman sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). “Honestly, gusto ko sanang pumunta sa Boracay, Batanes, Sagada, at Palawan pero kailangang magtrabaho eh,” bungad ni Coco.
Samantala, magdiriwang ng kaarawan ang aktor sa November 1 at magiging espesyal ang selebrasyon dahil ika-sampung taon na rin ni Coco sa show business.
Isang malaking party ang nakatakdang idaos sa isang events place sa Quezon City sa Miyerkules. “Sa totoo lang, ayoko sanang mag-celebrate kasi hindi ako sanay eh. Kung magkaroon man, family lang. Ang may gusto talaga, ‘yung manager ko, si Mother Bibs (Biboy Arboleda). Sabi niya, ‘Kahit paano, mag-celebrate ka naman, magpasalamat ka man lang. I-enjoy mo ‘yung 10 years mo kahit paano, ‘yung lahat ng pinaghirapan mo.’” Kwento ni Coco.
Jane at Jeron, open na ang relasyon
Muling pinahanga ni Jane Oineza ang mga manonood sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado. Ginampanan ng dalaga ang buhay ng isang may malubhang karamdaman. Isa raw ito sa mga pinapangarap na gawin ng aktres. “Ako kasi I’m up for all the challenging roles. Roles na scary pakinggan na parang ang hirap gawin kasi ‘yun ‘yung gusto kong mga gawin. Kasi I’m an actress and ‘yung mga roles na pino-portray ko. I don’t want it to be super duper close to who I really am. Kasi ‘yun ‘yung I think pros of being an actor kasi you get to be a different character every time you’re on that set. Dream come true na naman kasi sa MMK, kasi it’s one of my dream roles din. I played a cancer victim who has acute lymphoblastic leukemia,” pagbabahagi ni Jane.
Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ay masaya na raw ang dalaga na mayroon siyang inspirasyon ngayon. Napababalitang nagkakamabutihan na sila ng basketbolistang si Jeron Teng. “Of course we’re not going to hide anything. Open na kami, kami ni Jeron, we’re close, close friends,” makahulugang pahayag ni Jane.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest