Next movie ni Direk Wenn Deramas, 25 sikat ang bibida
Biniro ni Direk Wenn Deramas si Billy Crawford na maagang nag-promote ng Moron 5.2 The Transformation dahil sa pagkaka-detain nito sa Police Community Precint 7 sa Taguig City. Sa November 5, ang showing ng Viva Films movie at na-detain si Billy noong September.
Sa tanong kay Direk Wenn kundi ba siya nangangarap magdirek ng straight drama para maiba sa hit comedy movies na madalas gawin, sagot nito, gusto niyang may variety sa ginagawa, pero ang deal niya sa ABS-CBN, sa TV lang siya magdidirek ng drama at fantasy at sa movies, comedy ang gagawin para hindi siya nauubos.
Ibinalita na ni direk Wenn na for his 25th year, gusto niyang gawin ang pelikulang may pamagat na Bente Singko with 25 stars sa cast, mga artistang gumawa sa kanya. Next year niya gagawin ang pelikula na parang dream project niya.
Tinatapos ni Direk Wenn ang Praybeyt Benjamin at sa January 2015, sisimulan niya ang shooting ng part three ng Ang Tanging Ina.
Jennylyn lagare pero may oras pa rin sa bubuksang fitness center
Ang sipag ni Jennylyn Mercado dahil naglalagare sa taping ng Second Chances at shooting ng Metro Manila Film Festival o MMFF entry nila ni Derek Ramsay na English Only Please. Bukod dito, naisisingit pa niya ang mag-workout at naaasikaso pa ang binuksang negosyo.
Kasosyo si Jennylyn sa bubuksang fitness center sa may Tomas Gener St., Kamuning, Quezon City. Noong isang araw, nag-post siya sa Instagram (IG) na naghahanap sila ng Yoga at dance teacher, Zumba instructors, at nail technician na ang magiging pangalan yata ay Fit & Form.
Anyway, sa November 17, ang pilot ng Second Chances at papalit sa Ilustrado. Muling magtatambal sina Jennylyn at Raymart Santiago at kasama rin sina Rafael Rosell at Camille Prats.
RR Enriquez naihi sa harap ng bantayog ni Macarthur
‘Kaloka ang episode ng The Amazing Race Philippines 2 ng TV5 last Wednesday dahil naihi si RR Enriquez sa harap ng bantayog ni General MacArthur sa Palo, Leyte yata ito. Ihing-ihi na si RR at ang teammate na si Jeck Maierhofer ang nag-suggest na umihi siya sa harap ng bantayog ni MacArthur.
Hindi na ipinakita ang actual na pag-ihi ni RR, na-tweet nitong sa may talahiban malapit sa bantayog siya umihi at hindi sa harap mismo. Bawal ba ang umihi sa malalapit sa bantayog ng mga bayani at importanteng tao sa history ng Pilipinas?
- Latest