^

PSN Showbiz

Lourd de Veyra ng News5 nag-uwi ng parangal mula sa NCCA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kamakailan ay muli na namang nag-uwi ng tagumpay ang News5 host at sikat na multimedia personality na si Lourd de Veyra matapos siyang tumanggap ng parangal bilang Best Culture-Based Documentation Host mula sa National Commission for Culture and Arts (NCCA).

Kinilala at pinarangalan ng NCCA si Lourd dahil sa kanyang patuloy na epektibong kontribusyon sa pagbibigay-alam at halaga sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng da­lawa niyang programa sa TV5, ang History with Lourd (kada-Miyerkules ng 10:30 p.m.) at Word of the Lourd (kada-Biyernes tuwing Aksyon sa Umaga).

Ang dalawang programang ito ng Kapatid Network ay patuloy na humahakot ng parangal at tinututukan ng mga manonood dahil sa kakaibang handog nitong saya at kaalaman. Gaya ng tagline nitong “Tsismis noon, Kasaysayan ngayon”, tinatalakay ng programang History with Lourd ang mga kontrobersyal na usapin sa kasaysayan ng bansa — mga history lessons na kailanman ay hindi itinuro sa mga eskwelahan.

Samantala, sa Word of the Lourd naman, tampok ang mga nakakatuwang komentaryo ni Lourd patungkol sa mga iba’t ibang mahahalagang balita at politikal na isyu sa Pilipinas, na patok na patok lalo na sa mga netizen.

Hindi maipagkakailang itinuring na isang malaking tagumpay ang taong 2014 para kay Lourd matapos ding maiuwi ng programang History with Lourd ang parangal na Outstanding Achievement in Broadcast Media (Television) sa Hildegarde Awards.

Sa taong ito rin ginawaran si Lourd ng Adamson Media Award, kung saan natalo niya ang iba pang bigating media practitioners sa bansa para maging pang-apat pa lamang na persona­lidad na nagkamit ng parangal na ito.

Mapapanood rin si Lourd bilang isa sa mga main host ng morning news program ng TV5, ang Aksyon sa Umaga (Lunes hanggang Biyernes ng 5:00 a.m.), pati na rin bilang weather man ng primetime newscast ng Aksyon (Lunes hanggang Biyernes ng 6:15 p.m.).

NU umaasang may susunod pang kampeonato sa UAAP

Ipinangako ng point guard ng National University (NU) na si Gelo Alolino na hindi ngayong taon ang una at huling panalo nila matapos ang anim na dekada sa UAAP (University Athletics Association of the Philippines) basketball at pipilitin nilang masundan pa ito sa susunod na taon.

“Sabi nga nila coach, sana tuluy-tuloy na ‘to para sa NU at makilala bilang panibagong dynasty. Sa susunod na taon, susubukan po naming idefend ‘yong crown saka pag-iigihan at hihigitan po namin ‘yong pinakita namin ngayong taon,” pagbabahagi ni Alolino sa Tapatan Ni Tunying ni Anthony Taberna na mapapanood ngayong Huwebes (Oktubre 23).

Ikinuwento rin ni Alolino sa episode na ito ng Tapatan Ni Tunying ang mga hamon na hinarap ng kanilang koponan na mas nagpatamis pa sa kanilang tagumpay.

“Last year, apat po sa ‘starting five’ namin ‘yong nawala. Ako lang po ‘yong naiwan. Tapos pinasukan pa kami ng anim o pitong rookies,” sabi niya.

“Bago ako dumating dito, alam ko po ‘yong mga kwento na kapag NU raw, talunan. Parang cellar-dwellers po ‘yong tingin. Ngayon nabago na po namin ito after 60 years,” dagdag niya.

Samantala, ipinangako rin ni Mac Belo ng Far Eastern University, ang nakalaban ng NU sa finals ng UAAP Basketball kamakailan, na babawi sila sa susunod na taon.

“Babalik kami ulit, babawi kami. Nakakuha na kami ng experience sa finals kaya madadala namin ‘yon next season. Kailangan pa namin ng discipline, more hardwork pa, at more practice,” sabi ni Belo.

Ibabahagi rin ni Belo, na isang anak ng magsasaka sa Cotabato, ang importansya ng basketball at edukasyon para sa kanya.

ADAMSON MEDIA AWARD

AKSYON

ALOLINO

BIYERNES

LOURD

TAPATAN NI TUNYING

WORD OF THE LOURD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with