^

PSN Showbiz

Nagising na sa katotohanan, Aljur iuurong na ang demanda sa GMA

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang very reliable source (RA) ang nagpaabot sa amin ng balita na balak na umanong iurong ng aktor na si Aljur Abrenica ang kasong isinampa laban sa kanyang home studio, ang GMA na may kinalaman sa pagpapawalang-bisa ng kanyang kontrata (with GMA Artist Center) na sa 2016 pa umano magtatapos.

Sinabi ng aming RA na may nag-udyok pala kay Aljur na mag-file ng kaso laban sa kanyang home studio at hindi na umano inisip ng hunk actor ang magiging repercussion ng kanyang move.

Kinumpirma ng aming RA na totoong may tampo si Aljur sa GMA Artist Management dahil hindi umano niya gusto ang ipinagagawa sa kanya at kasama na rito ang recording ng double-meaning songs na hindi niya umano ma-take. May isa rin umanong film project na kanyang inayawan dahil hindi niya gusto ang material.

“May pinagmulan ang tampo ni Aljur na hindi alam ng publiko ang tunay na dahilan. Kung mabibigyan lamang daw siya (Aljur) ng time ng top management ng GMA ay gusto niyang makipag-ayos at ibahagi sa kanila (management) kung bakit niya ito ginawa,” anang aming source.

May pahiwatig ang aming RA na gusto umanong makipag-usap si Aljur kina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit, ang dalawang top guns ng GMA.

Carmi hindi na naghahanap ng mapapangasawa

At 51, napakaganda pa rin ni Carmi Martin, but remained single up to this day. Sa kabila ng kanyang pagiging single, masaya si Carmi sa mga bagay na kanyang pinagkakaabalahan – ang church kung saan siya aktibo, ang kanyang pagiging actress, at ang isa pa niyang propesyon bilang isang interior designer.

Kahit 51 na siya, hindi ito dahilan para magmukha siyang losyang.  After all, nasa may katawan naman ‘yun kung mapapangalagaan mong mabuti ang iyong sarili.

Although resigned na siya sa pagkakaroon ng sariling pamilya, Carmi admits that she’s not totally closing her doors na makatagpo ng lalaking mamahalin at makakasama habang buhay pero hindi niya ito hinahanap.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

ARTIST MANAGEMENT

CARMI

CARMI MARTIN

FELIPE GOZON

JIMMY DUAVIT

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with