Kotse ni Angelica nasabitan ng taxi sa EDSA
MANILA, Philippines – Buti na lang at minor lang ang naging aksidente ni Angelica Panganiban sa EDSA the other day. Nasagian lang naman daw ang kotse nito ng taxi at sa kumalat na photo nila, walang masyadong damage ang kotse ng actress na obviously ay ang girlfriend ni John Lloyd Cruz ang nagmamaneho.
Ang mga driver pa naman ngayon laging nagmamadali so mas maigi talagang maging maingat sa pagmamaneho.
Bacao pinakamalakas ang dating sa Horror Plus Filmfest
Kung meron mang exciting na panoorin sa pagbubukas ng Sineng Pambansa Horror plus Film Festival sa SM Cinemas, ito ay ang Bacao na bida si Michelle Madrigal. Idinirek ang pelikula ni Edgardo “Boy” Vinarao na kilalang magaling na movie editor.
Magsisimula itong mapanood sa October 29 until November 4.
“I chose the title Bacao so that people will get curious,” sabi ni Direk Boy na ang ibig sabihin pala ng bacao ay mais.
“Since bacao is so easy to grow, you want to have a big family, give birth to more children, get pregnant again and again…The same with bacao, just plant it once and it’ll flourish,” pagkukumpara ni Direk sa panganganak ng mga babae sa kanyang probinsiya sa Isabela sa pag-aalaga ng mga mais sa kanyang pinagmulang lugar.
Yup, so may touch of kaelyahan ang tema ng movie na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Ito ang first starring role ni Michelle kaya naman ang sipag niyang mag-promote. Hindi rin niya natanggihan ang pelikula nang i-offer sa kanya kahit nag-pramis siya na magpu-focus muna sa pag-aaral ng culinary.
Ayon pa kay Direk, si Michelle ang nag-iisang choice niya sa role ni Mayet. Pakiramdam ng director ng pelikula, perfectly fit ang aktres dahil sa pagiging morena nito. Plus factor pa raw ang galing nito sa aktingan.
The Horror plus Film Festival will officially kick off on October 29 and will run until November 4 in all SM Cinema branches nationwide at regular admission rates.
- Latest