^

PSN Showbiz

Mother Lily halos apat na taon ipinagawa ang bahay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang kuwento ni Mother Lily Monteverde  na inabot ng tatlo at kalahating taon ang renovation ng bahay niya sa Greenhills, San Juan City.

Daig pa ni Mother ang nagpatayo ng bagong bahay dahil sa tagal ng renovation .

Ang anak na si Meme ang nagsabi na nagpapalit ng architect si Mother kapag hindi nito nagugustuhan ang design na malayo sa picture na pagtutularan.

Ang laki-laki ng bahay ni Mother sa Greenhills dahil meron itong 13-rooms at sariling gym.

Ipinakita kahapon sa morning show ni Kris Aquino ang bonggang bahay ni Mother at naloka ang manonood sa dami ng mga gamit niya.

Impulsive shopper si Mother. Bili siya nang bili ng mga gamit na nagugustuhan sa mga bansa na pinupuntahan niya. Tuwing bumabalik sa Pilipinas, saka pinoproblema ni Mother ang paglalagyan ng kanyang mga pinamili.

Mabuti na lang, malaki ang bahay niya sa Greenhills at sa Valencia  kaya  may lugar para sa mga abubot na binili niya.

Pumayag si Mother Lily na ipakita sa TV ang mansion niya dahil hindi niya matanggihan si Kris Aquino.

Timing naman na ipino-promote ni Mother ang Dilim, ang horror movie na pinagbibidahan ni Kylie Padilla  kaya pinapunta ito sa Greenhills house para mainterbyu rin ni Kris.

Hindi kasali si Aljur Abrenica sa cast ng Dilim pero napag-usapan siya bilang ex-dyowa ni Kylie.

Inusisa uli ni Kris ang break up nina Kylie at Aljur. Nagkuwento na naman si Kylie na hiniwalayan siya ni Aljur sa pamamagitan ng text message habang nagbabakasyon siya sa Australia.

Hindi nakatanggi si Kylie na sagutin ang mga question ni Kris dahil sinabihan siya ni Mother ng “Tell the truth.”

Pandesal boy, hindi pala totoong na-holdap

Hindi ako nagulat nang makarating sa akin ang balita na hindi totoo na biktima ng hold up ang bagets na nagtitinda ng pandesal sa Kalookan City.

Ito ‘yung  insidente na pinagpistahan sa social media at sa TV dahil marami ang naawa sa onse anyos na bata na nakunan ng video habang nangangatog ang buong katawan.

Ang sey ng bata, kinuha ng holdaper ang P200 na kinita niya mula sa pagbebenta ng pandesal. Tinutukan pa raw siya ng patalim ng suspect at ito ang dahilan ng kanyang trauma.

Lumitaw kahapon ang bagong bersyon ng kuwento. Gawa-gawa raw ng bagets ang istorya para hindi siya pagalitan at paluin ng kanyang ina dahil nawala ang kinita niya sa pagtitinda.

Ang sabi ng mga kapit-bahay, matagal nang naglalako ng pandesal ang bagets. Hindi raw totoo ang pralala ng kanyang ina na tumatakas siya ng bahay para makapagtinda ng pandesal, makaipon ng datung at mabili ang pinapangarap na bisikleta.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso. Kung totoo ang bagong bersyon, malaki ang pananagutan ng bata at ng nanay nito.

May dapat  na ipaliwanag ang mag-ina sa Tulfo Brothers ng TV5 na nagbigay ng scholarship para maipagpatuloy ng bagets ang pag-aaral hanggang college.

Bilib na bilib pa naman ang Tulfo Brothers sa sipag at pagtitiyaga na ipinakita ng bata.

Baka magalit din ang mayor ng Kalookan City na nagbigay ng bisikleta sa bagets. Imposible na hindi mag-react ang DSWD na agad na hinanap ang bata para tulungan ito.

Susubaybayan ko ang kaso ng pandesal vendor na magandang halimbawa para sa lahat na mga patola o mapagpatol sa mga isyu. Bago patulan ang isang isyu, dapat mag-imbestiga na mabuti  para hindi masira ang credibility.

GREENHILLS

KALOOKAN CITY

KRIS AQUINO

MOTHER

NIYA

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with