^

PSN Showbiz

Jonalyn Viray, muling bibirit sa Music Museum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling bibirit sa entablado si Soul Princess at Fearless Diva Jonalyn Viray sa concert niyang #Fearless: The Repeat.

Ito ang pangalawang major concert ni Jonalyn na magsisilbi rin bilang isang benefit concert para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Dahil sa tagumpay ng unang #Fearless major concert noong Pebrero, napagdesisyunan na ulitin muli ito, kung saan isang kakaiba at bolder version ni Jonalyn ang masasaksihan ng mga manonood.

“Wala na talaga akong inhibition and isinapuso ko ang lahat ng mga natutunan ko from my first major concert. Dito ko ‘yun maipapakita. Like before, there’s gonna be a song na bawat manonood, makaka-relate,” ani Jonalyn.

Special guests sa #Fearless: The Repeat sina Tom Rodriguez, Thor, at Queen of Soul Jaya.

Unang nakilala si Jonalyn nang sumali ito sa Kapuso talent search na Pinoy Pop Superstar. Siya ang hinirang na first ever Grand Champion ng naturang talent search, at mula noon, nakita at narinig na ang husay niya sa iba’t ibang mga tours, guestings at variety shows gayon din sa pag-awit niya ng teleserye theme songs.

Isa na nga rito ang ending theme ng My Husband’s Lover na Help Me Get Over na tinanghal kamakailan bilang Song of the Year sa 6th PMPC Star Awards for Music.

Huwag palampasin ang #Fearless: The Repeat ni Jonalyn Viray ngayong November 14, 2014, 8pm sa Music Museum.

Para sa tickets, tawagan ang TicketWorld at 891.9999 o ang Music Museum at 721.0635.

BAGYONG YOLANDA

FEARLESS DIVA JONALYN VIRAY

GRAND CHAMPION

HELP ME GET OVER

JONALYN

JONALYN VIRAY

MUSIC MUSEUM

MY HUSBAND

PINOY POP SUPERSTAR

QUEEN OF SOUL JAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with