Kylie ginagawa ang lahat para maging proud si Robin
Action superstar Robin Padilla must be very proud sa kanyang anak na si Kylie Padilla na unti-unti na ring kumakalas sa kanyang shadow at gumagawa na ng sariling pangalan magmula nang pasukin nito ang showbiz noong 2007. Seven years later, marami na ang napatunayan ni Kylie bilang isang artist.
Bukod sa acting, maraming ibang talent ni Kylie ang lumabas tulad ng singing, painting, pagsusulat ng poem, pagkahilig sa iba’t ibang martial arts, at pagmi-make-up na kanya ngayon napakikinabangan nang husto sa kanyang mga shows, tapings, and shootings.
“Gusto ko siyang maging proud sa akin bilang anak,” pahayag ni Kylie sa kanyang most memorable role bilang si Leonor Rivera sa kauna-unahang primetime Bayani Serye ng GMA na Ilustrado na nagsasadula at nagsasalarawan ng buhay at pag-ibig ng ating national hero na si Dr. Jose Rizal.
Natutuwa rin si Kylie na binibigyan siya ng chance ng kanyang home studio (GMA) na ipareha sa iba’t ibang leading men at isa na rito si Alden Richards.
Bukod sa kanyang bagong serye sa Kapuso Network na produced ng GMA News & Public Affairs, may upcoming movie rin si Kylie sa bakuran ng Regal Films, ang horror movie na Dilim kung saan niya kapareha ang Kapamilya actor na si Rayver Cruz, ang bagong guy na nali-link sa kanya matapos ang break-up nila ni Aljur Abrenica.
Katrina naka-focus sa anak
Si Katrina Halili mismo ang nag-desisyon na wakasan na ang pagiging couple nila ng singer-composer na si Kris Lawrence, ama ng kanyang kaisa-isang anak na si Katrence o Katie. Although hindi naman inaalis ng aktres ang karapatan ni Kris bilang ama ni Katie. Katunayan, bukas pa rin si Kris sa tahanan ni Katrina at nanatili pa rin silang magkaibigan at mga magulang ni Katie.
Katrina is now sporting a new look. Nagpaigsi ito ng kanyang buhok na bumagay naman sa kanya.
Bilang isang single parent, gusto ni Katrina na pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho at pagiging ina.
Krista isinumpa!
Ang pelikulang Hukluban na isinulat ni Eric Ramos at pinagbibidahan nina Krista Miller at Kiko Matos mula sa direksiyon ni Gil Portes under Teamwork Film Productions ay isa sa apat na kalahok sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival 2014 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magbubukas sa lahat ng SM cinema nationwide simula sa Oktubre 29 hanggang November 4.
Napanood namin ang pelikula at na-impress kami sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Filipino-Portuguese actor na si Kiko na tulad ni Krista ay gumanap sa tatlong magkakaibang character sa trilogy movie na Hukluban with the controversial actress playing the lead role.
Biniro namin si Direk Gil na dapat Tuhog ang titulo ng Hukluban dahil tuhog ang istorya ng trilogy movie kung saan gumanap si Krista sa papel ng isinumpang si Mira na nagiging hukluban kapag sumisikat ang araw. Mawawala lamang ang sumpa sa kanya kapag siya’y nakatagpo ng isang lalaki na magmamahal sa kanya ng wagas.
- Latest