Charice kinaimbyernahan sa inamin kay Oprah Winfrey
SEEN: Three hours delayed ang presscon kahapon ng Beauty in a Bottle dahil 10:00 a.m. ang imbitasyon at almost 1:00 p.m. na nang magsimula ang question and answer. Mga bida sa Beauty in a Bottle sina Angelica Panganiban, Angeline Quinto, at Assunta de Rossi. Kahapon ang last shooting day ng pelikula.
SCENE: Ang paliwanag ni Angelica Panganiban na hindi siya ang dapat sisihin sa delayed presscon ng Beauty in a Bottle dahil 12:30 p.m. ang call time na ibinigay sa kanya.
SEEN: Ang coverage ni Korina Sanchez sa mahabang pila ng mga sabik na Pilipino na nagpuyat at naghintay sa pagbubukas kahapon sa Megamall branch ng bagong clothing store H&M na nagmula sa ibang bansa. Pinapatay ng clothing store at ng mga kauri nito ang local clothing and lifestyle stores.
SCENE: Nanghihingi uli ng acting award ang performance ni Sylvia Sanchez sa The Trial ng Star Cinema. Lesbian mother ni John Lloyd Cruz si Sylvia sa The Trial.
SEEN: Ang plano ng Encantadia stars and production staff na ipagdiwang ngayong Oktubre ang 10th year anniversary ng programa na isa sa mga highest rating show noon ng GMA-7.
SCENE: Walang-wala sa isip ni Derek Ramsay na makipagkasundo sa kanyang misis na si Mary Christine Jolly dahil sa mga ginagawa nito na nagpagulo sa kanyang buhay at career.
SEEN: Pinagtaasan ng kilay ang pralala ni Charice Pempengco kay Oprah Winfrey na five-years old pa lamang siya nang malaman niya ang pagiging tomboy. May tendency si Charice na maging “Drama Queen”.
SCENE: Super tweet at super remind si Charice sa kanyang followers tungkol sa guesting niya sa show ni Oprah Winfrey.
- Latest