Tatlong actress naglalaban-laban sa best botox acting award
MANILA, Philippines - May nag-suggest na sana raw ay magkaroon ng category ang award giving bodies ng Best Botox Actress/Actor.
Dumarami nga naman kasi ang mga artista natin na nahihirapan nang umarte dahil sa kanilang botox sa forehead.
Sa Best Botox Actress tatlo na raw ang maglalaban-laban.
Si Actress No. 1 nominee ay gumanap na may pagka-kontrabida sa isang mainstream movie. Sa sobrang botox daw ni Actress no. 1 parang namamaga na ang mukha nito pero walang kaguhit-guhit at banat na banat. Pati raw labi nito, naka-botox na yata.
Si Best Actress No. 2 nominee ay maganda ang role sa isang mainstream movie. Pero dahil sa kanyang banat na mukha, halos hindi mo raw makikitaan ng kahit kaunting emosyon sa kanyang acting. Parang mas mahahabag ka raw sa kanyang mukha kesa sa kanyang character.
Si Actress No. 3 ay maganda pa rin ang katawan kahit nagka-edad na sa showbiz, pero ang chaka na ng face niya na ang may salarin din ay botox. Magaling din naman siyang umarte pero nakakailang ang expression niya.
Sa aktor, parang dalawa silang naglalaban.
Dalawang aktor na parehong award winning pero nang magpa-inject daw sa mukha, naiba na ang kapalaran sa pag-arte.
Angelica may busal sa kasong pakikiapid kay Derek, hindi rin apektado kahit nilalait na mataba
“Mapapahamak po ako, so, hindi ko po talaga pwedeng sagutin,” pahayag ni Angelica Panganiban sa presscon ng pelikulang Beauty In A Bottle kahapon nang usisain kung anong masasabi sa pagkakadawit niya sa kasong concubinage ng ex-wife ni Derek Ramsay. Naging basehan ng dating misis ni Derek ang umano’y pag-amin ni Angelica na nag-live in sila ng aktor na ngayon nasa TV5 na.
Nauna na ring nag-sorry si Derek sa kanya matapos madawit sa concubinage issue.
Anyway, payat ang hitsura ni Angelica nang dumating sa presscon kahapon. Pero isang aktres na tumaba ang role niya sa Beauty In A Bottle nila nina Assunta de Rossi and Angeline Quinto. Actually, hindi nalalayo sa kanyang role ang sitwasyon ng aktres dahil nga iniimbyerna siya ng ibang fans dahil sa kanyang pagtaba.
Pero katuwiran niya, hindi niya ‘yun pino-problema, problema daw ‘yun ng mga nagba-bash at natatabaan sa kanya. “Kasi ‘yun ako eh, choice ko ‘to. I mean, kung ngayon, gusto kong gawin, kumain, mag-enjoy, ngayon kung ayokong mag-make-up, eto gusto ko, katawan ko ‘to.
“Kung hindi mo ‘to trip, kung hindi mo gusto, eh ano naman? Hindi rin naman kita gusto. So, pantay lang ‘di ba? It’s a tie.
“So, kapag nag-ayos ako, teh, sobra ko namang ganda. Parang next to God na ‘yung kagandahan. So medyo binibigyan ko lang ‘yung iba na medyo i-bash ako. So, ‘yun ang ginagawa ko, nagpapakumbaba lang ako. Pinapakita ko lang na God is fair. Kaya minsan, hindi talaga ako nag-aayos, nagde-dress down ako. Kasi, ‘pag tinodo ko day, inggit kayong lahat,” mahabang sagot ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na ikinaaliw ng mga nag-attend sa presscon.
Though aminado naman ang aktres na tinatamaan din naman dahil hindi naman siya kasing-tigas na bato.
“Siyempre, may impact ‘yun, masasaktan at masasaktan ka talaga. Pero buti na lang din may pelikulang ganito. Malulusutan ko talaga ‘yung katabaan ko,” pagkokonek niya sa role niya sa pelikula sa pinagdaraanan niyang pagba-bash bagama’t aminado siyang may point na parang naiinis din siya dahil ang taba niya.
“Ay shit, ang taba, ganu’n. Saka kailangan na rin talaga sa movie.”
Nakasentro ang kuwento ng Beauty In A Bottle kina Vilma (Assunta), Estelle (Angelica), at Judith (Angeline), mga babaeng naghahangad makamit ang perpektong kagandahan.
Ipalalabas ang Beauty In A Bottle sa mga sinehan sa October 29.
Erik kumontra sa pagpapabawas ng boobs ni Angeline
Pinigilan pala ni Erik Santos ang nababalitang girlfriend niyang si Angeline Quinto na magpabawas ng boobsie. Katuwiran kasi ng singer, sa sobrang laki ng kanyang dibdib, nabibigatan na siya lalo na ‘pag may concert.
Pero kuwento ni Angeline kahapon sa presscon ng Beauty In A Bottle, hindi lang si Erik ang kumontra, na nagsabing baka pagtanda niya maramdaman ang epekto nang pagpapabawas, kundi maging si Dra. Vicki Belo. Ang sabi raw ni Dra. Belo mas masakit magtapyas ng boobsie kesa magdagdag. “Sobrang sakit daw kaysa sa magpadagdag. So gawan na lang siguro ng paraan sa damit ko,” aniya.
Ang impression ng marami ay nagpadagdag si Angeline, ‘yun pala nagpapabawas pa siya.
Anyway, siya si Judith sa pelikula na laging ikinukumpara sa ibang babae ang kanyang sarili. Gusto rin niyang patunayan sa pamilya ng kanyang guwapong boyfriend na siya ay maganda. Takot din siyang mapintasan.
- Latest