^

PSN Showbiz

Lani Misalucha, dadalhin ang Las Vegas sa Araneta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Makalaglag-pangang Cirque du Soleil production number ang isa sa mga bagong pasabog ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa kanyang inaabangang La Nightingale return concert na gaganapin sa December 6 (Sabado) sa Araneta Coliseum.

Matapos ang pitong taon mula nang hu­ling mag-concert, mistulang dadalhin ni Lani ang Las Vegas - kung saan siya nagtanghal at hinangaan ng international audience nang ilang taon - sa Big Dome dahil sa tindi ng kali­dad ng programa at higanteng sorpresang ini­hahanda niya.

 Bukod sa mala-Las Vegas na palabas, hindi rin naman mawawala sa concert ang inaabangang mapusong pag-awit ng kanyang timeless hits at kahanga-hangang bersyon niya ng international classic ballads at mga patok na kanta ngayon. 

Makakasama ni Lani sa kanyang concert sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force, ang back-up vocals niyang bubuuin ng The Voice of the Philippines finalists na sina Mackie, Pene­lope, Dan at Jessica, at iba pang  surprise guest. 

Tampok sa La Nightingale concert ang musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga. Si Paul Basinillo ang stage director ng concert, samantalang si Louie Ocampo naman ang musical director. 

Sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa La Nightingale concert ay nagkakahalaga ng P6,225 (VIP); P4,770 (Patron A); P3,180 (Patron B); P1,275 (box); P795 (upper box); at P480 (general admission). 

Mabibili na ang tickets sa opisina ng Smart Ara­neta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong ban­sa. Maaari ring tumawag sa Ticketnet hotline na 9115555 o mag-log on saTicketnet.com.ph. 

Kylie nakatayo na sa sariling pangalan

Panibagong-sigla ang umaapaw sa katauhan ngayon  ng young actress na si Kylie Padilla. Binigyang-tiwala siya ng mag-ina na Lily at Roselle Monteverde upang magbida sa horror/thriller movie na Dilim kapareha ang young actor na si Rayver Cruz habang sa telebisyon naman, isang importanteng role ang iginawad sa kanya ng GMA Network sa Bayaniserye na Illustrado ka-partner ang GMA Prince na si Alden Richards.

Nakadagdag-inspirasyon pa kay Kylie ang pagkakaroon ng bagong leading man sa Joey Reyes movie. Hindi man itinatago ang paghanga kay Rayver, may mga tamis ang kanyang ngiti at nagkukulay-rosas ang paligid sa magagandang feedbacks sa team-up nila ng Kapamilya actor.

“Rayver is not a shooting friend. Hindi nagtatapos sa movie ang friendship namin.  I feel his sincerity and respect. But let’s not jump into conclusion! I am blessed that I found a new friend. I am blessed too dahil sunud-sunod ang magagandang trabaho sa akin. The feeling is great at hindi ko idi-disappoint ang taong nagtitiwala at sumusuporta sa akin!” paliwanag ni Kylie sa magandang usad ng career.

Mula nang payagan ng ama na si Robin Padilla na sundan ang yapak niya sa showbiz, na­­biyayaan ng programang nag­mar­ka sa manonood ang perfor­mance ni Kylie. Hinangaan ang action skills niya sa Joaquin Bordado, ang kakikayan niya sa Tween Hearts at mada-drama niyang mga eksena sa The Good Daughter, Unforgettable, at ang huli niyang Adarna.

Inisip ng marami na ang tanging pasaporte ni Kylie sa pagpasok sa showbiz ay ang pagiging anak ni Robin. Mula kasi sa  pag-aaral sa Australia, nanaig sa young actress ang dugong-showbiz kaya hinanap niya ang kapalaran sa makulay at masalimuot na mundo na kanya ring kinalakihan.

Luckily, binagayan ng break si Kylie ng Kapuso Network at hindi naman sila nagkamali upang i-develop ang kaalaman niya sa pag-arte dahil positibo ang pagtanggap sa mga project na ginawa niya.

Subalit lingid sa kaalaman ng marami, hindi lang pag-arte ang alam ni Kylie. Meron din siyang mga ibang talento na kabilib-bilib sa murang edad niya.  Isa na rito ang pagiging composer at singer. May nagawa na siyang album under GMA Records nu’ng panahon na may pinagdaraanan sa puso, ang Seasons na merong walong kantang Pilipino at English kung saan ipinarinig niya ang kanyang songwriting at poetic side.

Bukod sa acting and singing, isa ring martial arts artist si Kylie. Well-trained siya sa ilalim ng ama. 

Sa ilang taon ni Kylie sa showbiz, dumating na rin siya sa puntong nakadama siya ng ups and downs, sa career man o sa pag-ibig. But just like a true Padilla, tumatatag siya sa pagdaan ng panahon.

Ngayon, mas matatag na si Kylie. Handa siyang harapin ang hamon ng bagong sigla sa career. Binigyan siya muli ng panibagong  tiwala ng Regal Entertainment, Inc. at nakatakda rin siyang isama sa isa pang Joey Reyes movie na Tsinoy.

ALDEN RICHARDS

ARANETA COLISEUM

JOEY REYES

KYLIE

LA NIGHTINGALE

LAS VEGAS

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with