^

PSN Showbiz

Kaya inayawan ng asawa aktres lutong karinderya ang ipinakakain sa pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtatanong kung bakit mahilig bumili ng mga luto nang pagkain ang isang magandang aktres? Puwede raw naman silang magluto sa bahay dahil may kasambahay naman siya pero bakit hindi niya ‘yun ginagawa?

Matagal nang naninirahan sa isang subdivision ang aktres, du’n na siya nagdalaga, nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Pagpansin ng mga tagaroon, araw-araw ay bumibili lang sila ng mga lutong pagkain sa labas ng subdivision.

May source na nagkuwento na sa ganu’ng paraan daw kasi lumaki ang aktres, naturingang sumikat siya nu’ng kanyang kabataan, pero puro biniling lutong pagkain din pala ang kinagisnan niyang ginagawa ng kanyang inang dating aktres din.

“Hindi talaga sila nagluluto kahit nu’n, bumibili lang sila ng mga lutong food. Meron namang gagawa nu’n, may kasambahay naman sila, pero talagang lutong pagkain na ang nakasanayan nilang bilhin,” sabi ng source.

Dinala ‘yun ng aktres hanggang nang magkaroon na siya ng sariling pamilya. Kundi man sa mga food chain ay nakahiligan na nilang bumili ng lutong pagkain sa mga karihan, iba-ibang putahe naman, pero maraming nagpapayo na sana’y lutong bahay ang kainin ng kanyang mga anak para mas maging malusog ang mga bata.

Hanggang ngayon ay lutong pagkain pa rin ang pinagsasaluhan ng mag-iina, wala na ang kanilang padre de pamilya, meron na itong karelasyong iba.

Pero hindi totoo ang kuwentong kumakalat na kaya raw nagkahiwalay ang mag-asawa ay dahil sawang-sawa na ang aktor sa kakakain ng biniling lutong ulam.

“May mas malalalim na dahilan ang hiwalayan nila. ‘Yung ugali ng girl ang hindi na kinaya ng asawa niya, kaya nagkahiwalay sila,” kuwento pa ng aming source.

Ubos!

PBA maririnig na rin sa Radyo5 at 92.3

Sa Linggo nang hapon na ang muling pagsisimula ng Philippine Basketball Association, ang PBA, ang de primerang liga ng basketball sa ating bayan.

Mapapanood ang PBA, siyempre pa, sa TV5. Magiging pukpukan na naman ang labanan, buhay na buhay na naman ang mga kantiyawan, magkakaroon na naman ng hanapbuhay ang mga kababayan nating nagpapataya sa ending.

Dahil hindi lang sa TV5 ipalalabas ang PBA kundi pati sa Aksyon TV-41 ay magkakaroon ng mga pagbabago sa oras ng mga programa namin sa Radyo 5. Mapapakinggan din ang mga kaganapan sa PBA sa 92.3 News FM.

Ang Cristy Ferminute na apat na taon nang naririnig tuwing alas kuwatro nang hapon, ngayon ay magkakaroon ng bagong time slot ang aming prog­rama ni Richard Pinlac tuwing Martes, Miyerkules at Biyernes.

Ang CFM ay mapapakinggan-mapapanood na tuwing alas onse nang umaga hanggang alas dose y medya nang tanghali. Pero tatlong araw lang ang bagong oras, tuwing Lunes at Huwebes ay sa da­ting oras pa rin, alas kuwatro hanggang alas sais nang gabi.

Ang pansamantalang pagbabago ng oras ng mga programa ng Radyo 5 ay habang ginaganap lamang ang PBA. Pagkatapos ng conference ay balik sa dating time slot ang mga programang apat na taon nang nakakasama ng ating mga kababayan mula Lunes hanggang Biyernes.

Mula sa darating na Martes, October 21, ay magkakarinigan na po tayo nang mas maaga, alas onse nang umaga hanggang alas dose y medya nang tanghali.

Maraming-maraming salamat po.

 

ALAS

ANG CRISTY FERMINUTE

BIYERNES

LUTONG

MARAMING

NAMAN

NANG

RADYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with