Alden pinakakain ng alikabok si Aljur
Ang GMA ang kauna-unahang TV station na nakaisip na mag-produce ng Bayani Serye kung saan dina-dramatize sa telebisyon ang buhay at pag-ibig ng ating mga bayani maging ang naging kontribusyon at sakripisyo nila alang-alang sa kapakanan ng bayan.
Simula sa October 20 ay mapapanood na ang 20-part episode sa primetime, ang Ilustrado na nagtatalakay sa buhay ng ating national hero na si Dr. Jose Rizal na ginampanan ng young actor na si Alden Richards.
Ipakikita sa Ilustrado mula kabataan ni Rizal hanggang sa kanyang pakikipagsalaran sa Europa.
Samantala, hindi ikinakaila ni Alden na sobrang na-overwhelm siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA para gampanan ang papel ng ating national hero.
Bukod sa bayani serye, si Alden ay co-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa reality show ng Kapuso network na Bet ng Bayan.
Kung tahimik ngayon ang career ni Aljur Abrenica dahil sa ginawa niyang pagkalaban sa istasyon na nag-build-up sa kanya, isa naman si Alden sa mga Kapuso talents na umaalagwa ang career.
Richard hindi inasahan ang pagsikat
Chinese-Filipino actor-businessman Richard Yap never imagined himself na papasukin niya ang showbiz na siyang magpapabago ng takbo ng kanyang buhay at karera.
Unang nakilala si Richard sa solo-launching TV series ni Kim Chiu, ang My Binondo Girl kung saan gumanap si Richard na ama ni Kim bilang si Papa Chen. Hanggang sa ito’y masundan ng kanyang lead-role sa morning family TV series na Be Careful with My Heart bilang si Ser Chief, ang male lead character na inibig ni Maya na ginagampanan naman ni Jodi Sta. Maria.
Ang inaasahang one season run ng Be Careful with My Heart ay naging top-rating at tumagal ng dalawang taon at kalahati. Ito rin ang naging daan para maging instant major stars sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Dahil sa malaking tagumpay ng seryeng Be Careful with My Heart tuluyan nang nagbago ang respective lives and career nina Jodi at Richard dahil ito ang nagbukas sa kanila ng mas marami pang opportunities para malibot ang buong mundo at maging in-demand as celebrity endorsers at labas pa rito ang kanilang pagiging successful businessmen.
Sa kabila ng tagumpay ni Richard sa kanyang showbiz career, nariyan pa rin ang kanyang pamilya na siya niyang strong support – ang kanyang wife na si Melody at dalawang anak na sina Ashley (18) at Dylan (11) na hindi naapektuhan sa kasikatan na tinatamasa ngayon ng tsinitong aktor.
- Latest