^

PSN Showbiz

Pero hanggang ngayon ay ‘di pumipiyok Aktres grabe ang naranasang hirap sa ex-husband

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakalakas ng ulan nu’ng gabing ‘yun. Gusto nang mag-uwian ng tropang nagkakayaang mag-inuman sa lobby ng isang hotel, pero hindi puwede, para kasing may hinahanap na kaaway ang matitinding bugso ng hangin na nakikipagtagisan sa lakas ng ulan.

Tiyempo namang ipinalalabas sa TV sa lobby ang isang pelikulang nagtatampok sa magkaka­patid na action stars, kumpleto sila sa pelikula, mga militar ang papel na ginagampanan nila sa lumang pelikulang ‘yun.

Biglang may naalala ang isang nasa umpukan, naging cameraman ito sa isang sumikat na pang­lingguhang programa sa isang malaking network, kasama sa palabas na ‘yun ang isang magandang aktres.

“Nakakaawa siya nu’n! Biglang dumating ang asawa niya sa set, galit na galit, breaktime nu’n ng production. Hinawakan siya sa buhok nu’ng lalaki, kinaladkad papunta sa garden, saka du’n inaway nang inaway!

“’Yung lalaki ang talak nang talak, puro iyak lang ang nagawa nu’ng babae. Palagi silang nag-aaway, nakakaawa ang babae kapag sinasaktan siya ng mister niya.

“E, napakaputi pa naman niya, makinis na makinis, konting hablot lang sa kanya nu’ng asawa niya, nagmamarka na agad,” napapai­ling na kuwento ng source.

Nagkakaisa namang reaksiyon ng mga nasa umpukan, “Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit nilayasan niya ‘yung lalaki, naghanap siya ng iba, nagpabuntis.

“Kaya pala ganu’n na lang katindi kung magalit ang mister niya, meron palang itinatagong lihim. Meron siyang gustong ipagsigawan sa buong mundo pero hindi niya naman magawa nu’n, dahil paano na ang macho image ng pamilya nila?” sabi ng mga nandu’n.

Pero oo nga naman, mabait ang aktres, ni hindi siya nagsalita nang laban sa ex niya. Ngayon ay nagiging magkahawig na sila, siya yata ang peg ng dati niyang mister, nakakaloka nga naman ang buhay.

Ubos!

News anchor ng TV5 na si Lourd de Veyra sutil ng bagong librong ‘Espiritu’

Nakaririmarim ang balitang napanood namin sa Aksyon Prime nu’ng isang gabi. Naganap ang nakakasukang kuwento sa isang lugar sa Cebu, ginahasa ng isang lalaking lasing ang nakataling aso, sa sobrang kalasingan daw ay tao at hindi hayup ang tingin ng bastos na lalaki sa aso.

Ilang taon na ang nakararaan ay isang kalabaw rin ang ginahasa, kitang-kita ng kanyang mga kapwa magsasaka ang isang lalaki habang inuundayan ng kabastusan ang inahing kalabaw, nakapagtataka pa ba kung bakit maraming kaso ng pagsasamantala ngayon?

Kahapon nang umaga ay inulit nina Lourd de Veyra at Martin Andanar ang pagtatawid ng balita sa Aksyon Sa Umaga, hindi makapagsalita ang dalawang news anchors, nauunahan sila ng pagtawa at pagkamangha na rin kung paano nasikmura ng lalaki ang paggahasa sa isang aso.

Mahirap kasing magdeliber ng ganu’ng klase ng balita, ang mga news anchor ay tao lang din na may mababaw na kaligayahan, kami man siguro ang lumagay sa kanilang katayuan ay paniguradong magkakandabulol kami sa pagbabalita kundi man mapabunghalit na lang sa paghalakhak.

Pagkatapos naming bigyan ng panahon ang kanyang librong Book of Little Speeches ay binabasa namin ngayon ang bagong pinagsunugan ng kilay ni Lourd de Veyra, ang Espiritu, na magandang mabasa ng mga manginginom.

Bakit nga ba mahilig uminom ang mga Pinoy? Kailan mo ba malalaman kapag lasing ka na? Gaano ba kasarap ang pakiramdam ng isang lasing?

Sa mga unang pahina pa lang ng Espiritu ay may isang linya nang nang-agaw ng aming atensiyon. Ang sabi, “Ang babae ay parang bus—may Cubao ilalim at Cubao ibabaw.”

At napakatotoo ng sinasabi sa libro ni Lourd de Veyra na gaano man katindi ang hangover mo, ilang beses mo mang isumpa ang alak, itaga mo sa bato: iinom ka pa rin bukas.

Totoo, sinsero at sutil ang librong ito.

AKSYON PRIME

AKSYON SA UMAGA

BIGLANG

ESPIRITU

ISANG

NIYA

VEYRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with