^

PSN Showbiz

‘Di tumulad sa actor na umamin sa karanasan sa bakla, hunk actor sakdal-linis ang pino-project na image kahit lantaran ang relasyon sa beking nasa abroad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming sumasaludong beki sa isang aktor na lantarang umaamin tungkol sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon sa isang beking direktor. Matapang siya, totoong-totoo sa kanyang sarili, komento ng sangkabaklaan.

Marami raw dapat pautangin ng katapangan at sinseridad ang nagpapakatotoong aktor. Sana’y tularan din daw siya ng mga lalaking personalidad na matagal nang may gay benefactor, pero umaastang wala, dahil ang pretensiyon ay hindi sila pumapatol sa bading.

Kabilang sa listahan ang isang hunk actor na mas­yadong pa-clean. Sakdal-linis ng imaheng gusto niyang itatak sa kanya ng publiko, pero saan ka, lahat ng meron siya ngayon ay galing sa pawis ng mga bading na nakarelasyon niya.

May “humahawak” na beki sa hunk actor na nasa ibang bansa. ‘Yun ang dahilan kung bakit ginagawa lang niyang Quiapo ang pagbiyahe sa malamig na bansang ‘yun kung saan matagal nang nagtatrabaho-naninirahan ang may edad nang beki. Maraming Pinoy sa nasabing lugar ang nakakaalam na may relasyon sila ng beki, puro retrato niya kasi ang nakakuwadro sa opisina nito, may katabilan din ang dila ng beki sa pagkukuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Pero ang hunk actor ay deadma lang. Parang wala lang. Parang nagpupunta lang siya sa bansang ‘yun dahil wala siyang magawa sa buhay. In denial siya sa pakikipagrelasyon sa mayamang beki.

Sabi nga ng isang katrabaho ng hunk actor, “Umariba na naman si Mr. Clean. Paldu-paldo na naman ang bulsa niya ngayon. Pero kahit isaw, hindi marunong manglibre ‘yun! Marami raw kasi siyang tinutulungan sa kanyang foundation!”

Ubos na ubos! Dating asawa ni Derek ininsulto ang korte sa Makati?!

Humaharap na ngayon sa mga camera si Mary Christine Jolly na walang suot na dark shades. Mas maganda ang ganu’n, nakikita natin ang mga mata ng nagsasalita, hindi na tayo namamana sa dilim.

Isang kaibigan namin ang pumansin. Bakit daw ang mga artista kapag nagkakapangalan na, padilim nang padilim at palaki nang palaki ang isinusuot na shades?

Oo nga, naisip namin, kapag popular na ang personalidad ay naka-shades na, at mas lumalaki ang pangalan ay pa-dark nang pa-dark ang isinusuot na antipara, talaga bang ganu’n?

Pero hindi naman artista si Mary Christine Jolly, hindi siya umaarte sa pelikula at telebisyon, sa pananaw ng mas nakararami nating kababayan ay nag-iinarte lang.

Ang latest, binaklas ng babae ang asuntong una niyang ihinain laban kay Derek Ramsay sa piskalya ng Makati, ang R.A. 9262. Meron daw kasing nakarating na impormasyon sa kanyang kampo na walang mangyayari sa kasong isinampa niya sa Makati.

Sampal ‘yun para sa piskal na humahawak ng kaso, sabi-sabi lang, pinaniwalaan na agad ng babae? Maghahanap daw sila ng tamang korte na makapagbibigay sa kanya ng hustisya.

May patagilid pang pahimakas si Mary Christine na may nakikialam daw kasi sa kasong isinampal niya laban sa ama ng kanyang anak, hindi raw lalaki si Derek, dahil bakit kailangan pa nitong umasa sa puwedeng gawin ng ibang tao?

Hindi natin nilalaro ang korte. Seryoso ang usapin, hindi dapat nilalagyan ng kung anu-anong kulay, isang malinaw na pagsasayang lang ng oras ang ginagawa ni Mary Christine Jolly.

vuukle comment

DEREK

DEREK RAMSAY

LANG

MAKATI

MARAMI

MARAMING PINOY

MARY CHRISTINE JOLLY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with