Dahil sa puyat at halos ‘di na raw kumakain, katawan ni Vice Ganda bumigay na
Nasa hospital pala si Vice Ganda ayon sa ‘asawa’ nitong si Kris Aquino. Mataas daw ang lagnat nito at nagi-LBM. Kaya pala wala siya sa It’s Showtime.
“Thursday pa lang sa GGV taping not feeling well na siya. Friday hindi siya nakapag-Showtime pero pinilit niyang makapag-shooting ng Praybeyt Benjamin. Saturday nagso-shooting and he was telling me na ‘Hindi okay. Mayroon akong hindi magandang pakiramdam,’” sabi nang itinuturing na asawa ni Vice na si Kris sa Aquino & Abunda Tonight the other night.
Ayon pa sa ‘asawa’ ng It’s Showtime host, matigas naman daw kasi talaga ang ulo nito. “Alam mo katigasan din kasi ng ulo niya, he doesn’t eat before Showtime. ... ang unang kain ay after the show which is a heavy meal at about 3:30 to 4 p.m. and then puyat nang puyat kasi ‘yun ang nakasanayan niya. Sanay siya na natutulog kapag paakyat ang araw, so bago magsimula ang Showtime ay apat na oras lang ang tulog. Tapos kakain tapos magsi-siyesta,” banggit pa ni Kris.
Kahapon ay wala pang balita kung ano ba talaga ang sakit ni Vice Ganda.
Hinihintay pa raw ang resulta ng laboratory tests ng komedyante.
Pelikula ni ER Ejercito laglag na raw sa MMFF, papalitan ng entry ni Cesar
Malabo na palang makahabol sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Magnum Muslim .357 ni dating Laguna Governor ER Ejercito. Hindi pa raw halos ito nagkakapag-shooting. Wala na raw time para makahabol pa ito ayon sa isang kausap ko kahapon.
Duda ng source, malamang na nawalan ng gana ang pinatalsik na gobernador na gawin pa ang pelikula lalo na nga at balitang may mga kaso pa itong kinakaharap na connected pa rin sa pagkakatanggal niya bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna.
Ang malamang daw na pumalit sa Magnum Muslim .357 ay ang Kid Kulafu na pinagbibidahan ni Cesar Montano.
Si Kid Kulafu ang kauna-unahang trainor ni Manny Pacquiao bago pa man siya sumikat ayon kay Cesar. Sa previous interview sa actor, sinabi ni Cesar na ngayon lang mapapanood ang part na ito ng buhay ni Pacman.
Nanatiling nanahimik ang dating governador ng Laguna, na laging may entry sa mga nakaraang MMFF, simula nang mapatalsik siya sa posisyon nang i-disqualify ng COMELEC sa kasong over spending sa kampanya last Election.
The Trial nakakaiyak
Nakakaiyak ang pelikulang The Trial na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw na pinagbibidahan nina Richard Gomez, Gretchen Barretto, Jessy Mendiola and John Lloyd Cruz.
Nakakaiyak dahil sa kakaibang kuwento tungkol sa isang binatang mentally challenged na na-in love pero inakusahan ng rape ng kanyang teacher.
Challenging ang character nina Goma at Gretchen na magkakaroon ng connection kay John Lloyd.
Dinirek ito ni Chito Roño. Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang The Trial ng Star Cinema.
My Destiny magtatapos na ngayong Biyernes
Ngayong Biyernes (Oktubre 17) nakatakdang magtapos ang Kapuso primetime drama series na My Destiny na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kasama sina Rhian Ramos, Sid Lucero, at Ms. Lorna Tolentino.
Sa nalalapit na pagtatapos ng programa ay lalong tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng mga karakter. Kahit nga ang Kapuso actress na si Carla ay nagugulat din sa takbo ng kwento, “Nagugulat na lang talaga kami kasi, as of the moment, ang daming conflict, tension, nag-aaway-away talaga lahat, sobrang intense. So, hindi mo alam kung paanong babaligtad ‘yun. So kahit kami nagugulat pa.”
Aminado si Carla na talagang mami-miss niya hindi lang ang My Destiny kung hindi lahat ng kanyang mga katrabaho. Naging memorable sa aktres ang pagiging magaan na katrabaho ni Tom: “‘Yung gaan at tulungan namin (Tom). Laging nagpapatawa ‘yan sa set. Kahit inaantok at pagod, siya ‘yung makikita mong mataas pa rin ang energy kahit alas-dose na ng umaga.”
Samantala, nang matanong naman tungkol kay Ms. Lorna na gumaganap bilang ina ni Carla sa serye, ito ang naging sagot ng Kapuso actress: “She can be funny pala! She’s not intimidating at all.”
Dahil sa My Destiny ay lalo ring tumaas ang paghanga ni Carla sa direktor ng serye na si Bb. Joyce Bernal, “She is amazing! She has worked her magic on the best love teams in the industry so we are truly honored to be guided by her. She really is the best when it comes to rom-coms. She’s funny and easy to work with too. You can loosen up and not feel pressured at all.”
Sa pagpapatuloy ng My Destiny, sino nga kaya ang nakatadhanang makasama ni Grace (Carla)? At anong kapalaran ang naghihintay kina Joy (Rhian), Jacob (Sid), at Matthew (Tom)?
- Latest