^

PSN Showbiz

Love story nina Coco at Kim dalawang linggo na lang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang once in a lifetime TV event ang ihahandog nina Coco Martin at Kim Chiu sa huling dalawang linggo ng Ikaw Lamang tampok ang muling pagtatagpo ng mga una nilang karakter na sina Samuel at Isabelle (ginagampanan na ngayon nina Joel Torre at Amy Austria). Eere ang huling episode ng   teleserye ng ABS-CBN sa Oktubre 24 (Biyernes).

Mula nang umere noong Marso ngayong taon, tinutukan ng TV vie­wers ang Ikaw Lamang mula sa kwento ng pagmamahalan nina Samuel at Isabelle noong dekada ‘70, hanggang sa pag-iibigan nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim) sa kasalukuyang panahon. 

Sa huling dalawang linggo, tiyak na mayayanig ang gabi ng TV viewers ngayong nakatakas na sina Isabelle at Andrea mula kay Franco (Christopher de Leon) sa tulong nina Samuel at Gabriel.

Tuluyan na bang makalalaya sina Isabelle at Andrea mula kay Franco, o muli na naman ba nitong hahadlangan ang kanilang kaligayahan? Magagawa ba ni Natalia (KC Concepcion) na sumama kina Isabelle at Andrea kapag natuklasan niya ang katotohanan sa nakaraan ng amang si Franco? Sa huli, maisasakatuparan pa rin ba nina Gabriel at Andrea ang pag-ibig na minsan nang hinadlangan ng nakaraan?

Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, tampok din sa Ikaw Lamang sina Jake Cuenca, Julia Montes, Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang.

 

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANDREA

AVEL SUNPONGCO

CHERIE GIL

CHERRY PIE PICACHE

COCO MARTIN

DARIA RAMIREZ

DIREK MALU SEVILLA

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with