Dating PBB housemate at co-host sa Eat Bulaga, bagong Miss World
Nang ma-meet namin ang 26 candidates ng Miss World Philippines sa Toki Japanese restaurant in Bonifacio Global City last October 1, stand-out na para sa amin ang German-Filipina candidate na si Valerie Weigmann.
Of course, familiar na sa marami si Valerie na naging ex-housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition in 2008 kung saan ang aktor na si Ejay Falcon ang itinanghal na Big Winner that year.
Bago siya sumali sa Miss World Philippines, naging bahagi rin si Valerie sa segment na Juan for All, All for Juan ng long-running noontime show na Eat Bulaga at napasama rin siya sa Kidlat fantasy TV series ng TV5 last year na pinagbidahan ni Derek Ramsay.
Ipinasa sa kanya ng outgoing 2013 Miss World Philippines and 2013 Miss World na si Megan Young na isang half-American at half-Filipina ang korona.
Bukod sa 2014 Miss World Philippines crown, siya rin ang nakakuha ng walong iba’t ibang special titles (mula sa iba’t ibang sponsors) tulad ng Miss Solaire, Miss Figlia, Jesi Mendez Ambassador, Miss Recucin, Miss Bench, Miss Blue Water Spa, Miss Hana Shampoo, and Miss Olay.
Si Valerie ay siyang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping Miss World pageant sa London, England sa darating na December 14.
Si Megan ang kauna-unahang Filipina na nakasungkit ng Miss World title.
Maulit kaya kay Valerie ang suwerte ni Megan sa Miss World title?
Most likely ay babalikan na ni Megan ang kanyang pansamantalang natigil na showbiz career.
Maging open na rin kaya si Megan tungkol sa relasyon nila ng kanyang rumored Kapuso boyfriend na si Mikael Daez?
Yasmien ipapakita sa lolo ang anak
Balak ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na dumalaw sa kanyang Lebanese father na naka-base sa Bahrain ngayong December. Hindi pa kasi nakikita ng kanyang dad ang kanyang mister na si Rey Soldevilla at anak na si Ayesha bukod pa siyempre na nami-miss niya ang kanyang ama na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita.
Sa kabila ng kanyang pansamantalang pagtigil sa kanyang showbiz career para pagtuunan ng attention ang kanyang pag-aaral, ang kanyang pag-aasawa, at pagkakaroon ng anak, nagpapasalamat si Yasmien na muli siyang tinanggap ng kanyang home studio (GMA) at ng mga fans sa kanyang pagbabalik.
Pagkatapos ng kanyang very challenging role sa Rhodora X, agad siyang binigyan ng GMA ng kanyang follow-up project, ang TV remake ng 1984 hit TV series na Yagit na pinamamahalaan ng actress-director na si Gina Alajar.
Flattered si Yasmien sa kanyang role bilang si Dolores dahil ang original role nito na Dolores ay ginampanan ni Charo Santos na siyang President-CEO ngayon ng ABS-CBN.
- Latest