Beauty Gonzales nag-emote sa Paris pagkatapos hiwalayan ang BF
Kahapon sa programang Kris TV ay inamin ni Beauty Gonzales na nagkahiwalay na sila ng kasintahan kamakailan. Magta-tatlong taon na sanang karelasyon ng aktres ang non-showbiz guy na si Julsar Torres De Guia. Ngayon ay nananatiling magkaibigan pa rin sina Beauty at Julsar. “May mga bagay na dapat ayusin. Parang kailangan niya lang i-fix, mag-focus siya,” bungad ni Beauty. Ang dalaga raw ang nakaisip na makipaghiwalay na sa dating kasintahan. “Kasi parang feeling ko, if I didn’t do it, nothing will happen. I needed him to wake up and do something about it,” giit ni Beauty.
Sinubukan na rin daw suyuin upang makipagbalikan si Julsar sa dalaga pero mas ginusto ni Beauty na maging magkaibigan na lamang sila. “Para sa akin, I want him to focus on his self muna, and when he can stand on his own and he is really okay, then we will see,” dagdag ni Beauty.
Samantala, sa kauna-uanahang pagkakataon ay nakapagbiyahe ang aktres sa ibang bansa. Kababalik pa lamang ni Beauty mula sa pagbabakasyon sa Paris. “Gusto ko lang mag-emote sa Paris. Mabilis lang ako doon, three days lang. Noong naging kami, sabi ko ‘Tara! Let’s go.’ Hindi natutuloy kasi may mga issues siya. Ngayon no’ng nag-break kami, sabi ko itutuloy ko na ito for myself,” nakangiting kwento ng dalaga.
Pokwang ayaw ng mas batang BF
Nakatakdang ipalabas sa Amerika at Canada sa November 14 ang pelikula ni Pokwang na Edsa Woolworth para sa 20th anniversary ng TFC (The Filipino Channel). Katambal ni Pokwang sa nasabing proyekto ang American actor na si Lee Obrian. May bulung-bulungan na mukhang ang aktor ang bagong nagpapatibok sa puso ng komedyana ngayon. “Akala ko kung sino ‘yung lalaking dumaan sa harap ko. Siya na pala ‘yon, ang leading man ko. Siyempre in-introduce namin ang isa’t isa. Kaya lang nawindang ako kasi naubos lahat ng Ingles ko. Dumugo ang ilong ko at gusto ko nang magpatawag ng Red Cross para salinan nila ako ng dugo, hahaha,” natatawang kwento ni Pokwang. “Tingnan natin. Ayoko naman na, hindi ako asumera (assuming). Tingnan na lang natin kung saan ‘yan pupunta,” dagdag ng aktres.
Samantala, payag naman daw ang anak ni Pokwang na si Mae kung sakaling magkaroon na ng kasintahan ang komedyana. “Siya naman, matagal nang sinasabi na mag-boyfriend ako. Huwag daw ‘yung bata na parang kabarkada na niya ang age,” pahayag ni Pokwang.
Pumapayag na rin daw ang aktres na magkaroon ng kasintahan ang anak pero may kondisyon ito. “Pagka-graduate niya, mag-boyfriend siya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, sa bahay siya magpapaligaw. Huwag sa mall at pasasabugin ko ‘yon, hahaha,” pabirong pagtatapos ng aktres.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest