^

PSN Showbiz

Hindi nakaligtas sa lamok KC may dengue!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Kahit talaga anong ingat mo sa katawan, wala kang kawala sa lamok.

Ganito ang nangyari kay KC Concepcion na isang vegetarian at todo ang ginagawang training para maging healthy, at walang bisyo pero nang makagat ng lamok na may dengue, hindi nakapalag. The other night ay ibinalita niya sa kanyang Instagram account na nagka-dengue siya at kahapon ay bumaba ang platelets niya.

“Hi guys, nag-positive ako for Dengue kahapon. Kaya pala ako nagkaka-high fever na on/off these past 2 days. I’m confined sa hospital. Pero I know I’ll be ok!!! thank you for your prayers. Naaaayyy @amyaventura, thank you po sa pag dalaw, love you po And sa mahal kong ‘Cindy’@unitednationsofalora thank u din super!!!” balita ni KC sa kanyang Instagram account.

“I’m getting rashes all over my inner arms and thighs... Platelets still dropping... But I know I’ll recover soon enough!!! So happy I got to hug my sweet inaanak Alfonso who woke me up today hehe,” dagdag na balita niya kahapon.

Kaya talaga importanteng gumamit ng insect repellant. Hindi man kabanguhan ang amoy nito, at least may proteksiyon ka laban sa lamok lalo na sa kaso ng mga artistang kung saan-saan nagti-taping.

Petra mahalimuyak kakasuhan ng trespassing?

Naku lagot ang You Tube sensation at nag-aartista na rin na si Petra Mahalimuyak o Ashley Rivera sa totoong buhay dahil malamang na kasuhan siya ng trespassing ng isang pamilya na inakyat nila kasama ang isang pinsan noong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa kuwento ni Mrs. Jeanet Yao ng Kamagong Street, Makati City, bandang alas-4:50 nagising na lang siya dahil may naririnig siyang ingay mula sa labas at may kumakatok sa bintana ng kuwarto niya. Tiningnan niya raw at laking gulat niya nang nakita niya ang dalawang dalaga na sina Petra Mahalimuyak at pinsan nitong si Isabela del Castillo sa terrace ng fourth floor ng kanilang bahay. Pero hindi naman daw pagnanakaw ang pakay ng dalawang babae kundi ang anak na binata ni Mrs. Yao.
Panay daw ang mura ng dalawang babae at pinagsusuntok ang anak ni Mrs. Yao na isang barangay kagawad sa Makati.

“Nagulat talaga ako dahil nagising ako, nandun na sila kumakatok sa bintana ng kwarto ko na parang pinipilit buksan para pumasok. Nung nakita nila ako, humingi sila ng sorry. Bilang isang ina at mga babae nga sila para dumaan dun na parang mga magnanakaw, tinulungan ko pa silang pumasok sa sliding window ng di­ning area namin lalo na si Petra kasi maliit at naka-boots pa. Pero mas la­king gulat ko nang nakapasok na sila kasi sinugod nila agad ang kwarto ng anak ko na mahimbing na natutulog at sinalubong ng mga suntok,” pag-alala ni Mrs. Yao.

Pupungas-pungas pa raw siya nang makaharap nila ang dalawang babae. “Panay ang mura nila ng FY at PI sa anak ko. Parang hindi sila normal. Nagbasag pa sila ng mga decors at glass shelves namin kahit anong pilit kong awat. Sinabihan ko na nga sila na tatawag na ako ng pulis pero ayaw talaga. Kaya humingi na rin ako ng tulong sa isang katulong ko pero ayaw pa rin talagang tumigil, kaya napilitan na akong tumawag ng barangay pulis. Kahit na nasa labas, nagsisigaw pa rin at panay ang mura kaya tuloy nagising na rin ang mga kapitbahay. Kaya madami talaga nakakita,” dagdag na kuwento sa telepono ni Mrs. Yao na may-ari rin ng Ethnic Home, isang store na nagbebenta ng mga furniture galing sa Indonesia.

Pinigilan din daw ni Mrs. Yao ang kanyang anak na lumaban pa sa dalawang dalaga dahil mahusay ito sa Muay Thai eh baka raw kung ano pa ang magawa nito. Eh may girlfriend daw ang anak niya. Selos daw ang nakikita niyang dahilan nang pagsugod at pag-aakyat-bahay ng dalawang babae.

At nadiskubre nilang ang driver nina Petra at Isabela ang naghatid sa kanila sa Kamagong sa Makati at naghihintay, ang 89.9 DJ at suking host sa corporate shows na si Toni Toni na kasama sa grupong Boys Night Out.

Pero ang ikinaiinis daw ng mag-inang Yao ay parang proud pa ang dalawa sa ginawa nila, kasi sila na rin daw mismo ang nagkakalat sa mga kaibigan nila kung ano’ng nangyari. Ayaw na sana raw nilang palakihin pa dahil nag-sorry naman na, pero parang naiiba pa raw ang kuwento. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Petra Mahalimuyak na alaga ng Viva.

Rep. Roman Romulo nanguna sa namili sa Miss World

Maganda ang reaksiyon at pagtanggap ng publiko sa new Miss World Philippines 2014 na si Valerie Weigmann.  Si Valerie ay isang commercial model and TV host kaya makikita ang confidence niya sa pagrampa at sagot sa question and answer portion sa beauty pageant na napanood sa GMA-7. Kudos sa board of judges na pinangunahan ni Pasig Rep. Roman Romulo. Kasama din niya as board of judges ang bride to be Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Cristalle Belo, and MMDA Chair Francis Tolentino.

 

vuukle comment

ISANG

KAYA

MRS. YAO

NIYA

PERO

PETRA

PETRA MAHALIMUYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with