^

PSN Showbiz

Isabel Oli simpleng kasalan lang ang plano!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Next year pa ikakasal sina Isabel Oli at John Prats. At gusto ng aktres na maging simple lang ang kasal at simple rin ang wedding gown na isusuot niya.

“Gusto ko lang na naru’n sa kasal namin ang a­ming mga magulang at mga piling-piling bisita,” aniya.

Babalik din sa showbiz si Isabel at alam ni John na mahal niya ang pelikula at telebisyon pagkakasal nila.

Wowie balik-serye na!

Balik-TV si Wowie de Guzman. Kasama siya sa Yagit. Siya ang mapaghiganting ex-boyfriend ni Yasmien Kurdi. Ang dating karakter ni Rowell Santiago ang napunta sa kanya.

Kontrabida ang karakter na gagampanan ni Wowie at okay lang ito sa kanya. Umaasa ang aktor na sana’y masundan pa ang kanyang proyekto at nagpapasalamat siya sa GMA dahil ipinagkatiwala sa kanya ang mapagha­mong papel sa Yagit.

Direk Vinarao bet na bet si Michelle

Inamin ni Direk Edgardo Boy Vinarao na talagang si Michelle Madrigal ang gusto niyang lumabas sa karakter ni Mayet sa pelikulang Bacao.

“Kayumangging kaligatan kasi siya, maamo ang mukha at kung ’di rin lang siya ang aking bida ay ayaw kong gawin ang movie. Mabuti na lang at pu­ma­yag siya dahil ipinaliwanag ko na hindi lalabas na bastos ang love scene nila ni Arnold. Mag-asawa kasi sila dun. Isa pa, napakagaling umarte ni Michelle at mahusay na nailarawan ang karakter ni Mayet,” anang direktor.

Napanood na namin ang kabuuan ng pelikula at napakaganda ng istor­ya, maganda ang sinematograpiya, mabilis ang pacing kaya hindi naging kabagut-bagot ang pelikula.

Ang Bacao ay isa sa apat na entries sa Sineng Pambansa ng Horror Plus Film Festival na mapapanood na simula sa October 29, 2014.

ANG BACAO

DIREK EDGARDO BOY VINARAO

DIREK VINARAO

HORROR PLUS FILM FESTIVAL

ISABEL OLI

JOHN PRATS

MAYET

MICHELLE

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with