^

PSN Showbiz

Kaya nasa tuktok pa rin, singer-actress maraming galamay na gumagalaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang pag-akyat sa tagumpay ng isang female personality ay parang pagtatayo ng isang higanteng gusali na pinagplanuhan nang husto ang lahat ng aspeto at anggulo.

Lahat ng makinarya ay ihinanda ng mga nag-aalaga sa kanyang career, kumpleto lahat—istratehiya, pera, tao, lahat-lahat.

Ginastusan nang husto ang kanyang pangarap na sumikat, pero hindi naman masasabing binili niya ang tagumpay, dahil may puhunan siyang talento sa pagkanta at pag-arte.

Kuwento ng isang source na may malalim na kaalaman tungkol sa mga detalye ng pagtatagumpay ng sikat na babaeng personalidad, “Kumpletos recados talaga ang machinery ni ____(pangalan ng female personality). May tagasagot ng mga fan mails niya, may tagatago ng birthday ng mga press people, may nagpapaalala sa kanya kung sino ang mga kausap niya.

“Matalino siya, ha? Kabisado niya agad ang ibinubulong ng kasama niyang staff. Kunwari, sasabihin sa kanya, ‘Pasalamatan mo siya, isinulat ka niya ng maganda, pinuri-puri niya ang acting mo nu’ng isang araw.’

“Maya-maya lang, sasabihin na niya sa reporter na kaharap niya, ‘Salamat sa sinulat mo the other day, thanks for the nice words, salamat sa masarap na compliment.’

“Natural, tuwang-tuwa naman ang columnist, imagine nga naman, super-laking artistang tulad niya, nagpapasalamat nang personal sa reporter?

“Ang image niya, e, hindi nakalilimot, kasi nga, nagpapadala siya ng regalo kapag may nagbe-birthday na reporter at kasamahan niyang artista. May namamahala kasi du’n, pinipirmahan na lang niya ang birthday card,” kuwento ng aming source.

Talent, beauty, discipline, charisma and machinery. ‘Yun ang pinagsama-samang dahilan kung bakit naabot ng female personality ang ituktok ng tatsulok.

Hindi man naging matagumpay ang kanyang lovelife ay hindi naman nabigo ang mga taong humawak sa kanyang karera, nagningning ang kanyang bituin, hanggang ngayon ay nandito pa rin siya at nagbibigay ng kaligayahan sa ating mga kababayan.

Derek walang planong sumuko sa panggigipit ng asawa

Nainterbyu namin si Derek Ramsay sa Cristy Ferminute (92.3 News FM-AKSYON TV-41) kamakailan. Kahit via phone patch lang ‘yun ay parang nakikinita namin ang itsura ng hunk actor habang humihingi ng dispensa kay Angelica Panganiban dahil sa pagkakasangkot ng pangalan nito sa kasong concubinage na isinampa laban sa kanya ni Mary Christine Jolly.

Lahat talaga ng butas ay sisilipin ngayon ng babae para siya ipitin, kung walang maibubutas ay kailangang magkaroon ng dahilan para siya mapasuko, depende na lang ngayon kay Derek kung isusuko na niya ang laban para magkaroon siya ng katahimikan ng kalooban.

Pagkatapos nilang magkahiwalay ay nawalan na ng komunikasyon sina Derek at Angelica, pero kinailangang tawagan ng aktor ang kanyang ex, senyal ng pagiging maginooo ang ginawa niyang aksiyon at pangakong hinding-hindi niya pababayaan ang aktres sa labang ito.

Nakakalungkot ang personalang nangyayari sa dapat sana’y labanan lang sa piskalya nina Derek at Mary Christine. Pati ang kanilang anak ay naapektuhan na dahil sa pagsasama ng babae sa bata sa piskalya, minura pa ng isang abogado ni Mary Christine si Attorney Joji Alonso, babae ang abogado ni Derek pero parang nawalan ‘yun ng saysay dahil sa pamemersonal ng kampo ng babae.

Maraming nag-oopinyon na mas titibay ang paninindigan ngayon ni Derek Ramsay dahil sa panggigipit na ginagawa sa kanya ng naturingan pa namang ina ng kanyang anak.

Sabi nga ng mga nakakausap namin ay parang sundalo raw ang hunk actor na habang nasusugatan ay lalong tumatapang.

ANGELICA PANGANIBAN

ATTORNEY JOJI ALONSO

CRISTY FERMINUTE

DEREK

DEREK RAMSAY

KANYANG

MARY CHRISTINE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with