Derek gagawin daw ang lahat para maprotektahan si Angelica
Humingi raw ng paumanhin si Derek Ramsay sa dating kasintahan na si Angelica Panganiban. Nadawit ang pangalan ng aktres sa concubinage complaint na isinampa ng dating asawa ni Derek na si Mary Christine Jolly laban sa aktor. “I just want to reach out, I spoke to her and the mom. Ayaw ko nang pag-usapan ‘yung sa amin ni Angel. I just want to reach out to her and her family. That’s the right thing to do. Her name is being dragged and it’s just right for me to apologize. I can’t stop somebody from filing any case, they can go ahead and do that. Hindi ko siya mapipigilan,” paliwanag ni Derek.
Ayon sa aktor ay tinanggap naman daw ni Angelica ang paghingi niya ng paumanhin dito. Samantala, masaya raw si Derek para sa relasyon ngayon ng aktres kay John Lloyd Cruz. “I don’t want to get involved in their relationship. I am happy that they are both happy together. For me, nadawit ang pangalan ni Angel and I have, you know, six years of my life with Angel. So I’ll do anything I can to protect her. Hindi ko siya pababayaan,” pagtatapos ni Derek.
Enrique fresh na fresh ang tingin kay Liza
Pagkatapos magkatambal sa pelikulang She’s The One nina Enrique Gil at Liza Soberano ay hiniling daw talaga ng aktor sa Managing Director ng Star Cinema na si Malou Santos na gusto niya muling makasama sa isang proyekto si Liza. Ngayon ay napagbigyan na ang kahilingan ni Enrique dahil malapit nang mapanood ang teleseryeng Forevermore na pinagbibidahan nila. “Do’n ‘yun sa Circle eh, ‘yung may event na 60 years and we had to promote She’s The One. Kasama ko si Liza no’n tapos pumasok si Tita Malou sa loob ng tent tapos sinabi, ‘Okay kayo ah.’ Tapos tinanong ako, ‘Kamusta si Liza?’, ‘Tita Malou, okay lang baka gusto mo gawa pa kami ng isa?’ At after no’n nagulat na lang ako na ito na, The Bet and Forevermore,” nakangiting kwento ni Enrique.
Ano kaya ang mga bagay na nag-udyok sa aktor upang gustuhin na muling makatambal si Liza? “I don’t know, siguro sobrang bait niya. Kapag nakita n’yo siya, sobrang genuine na what you see is what you get na parang she is young kasi and she is such a sweetheart. So super genuine na wala kang makikitang malisya. So parang she is young and she is starting, fresh,” giit ng binata.
Aminado si Enrique na wala pa rin siyang karelasyon ngayon pero mayroon siyang paghanga kay Liza at kinikilig ang aktor dito. “Sobrang bait at sobrang cute niya kasi,” giit ng aktor. Reports from James C. Cantos
- Latest