Daniel laging may baong tuna!
MANILA, Philippines - Having strength for what’s next -- this is what the new San Marino Tuna Flakes is all about. Ang maging healthy para you feel like a winner by enjoying life to the fullest.
Ang pagkakaroon ng good health din ang pinaniniwalaan ng Pinoy Big Brother All In winner na si Daniel Matsunaga. Kaya kahit limitado lang ang maaaring gawin sa loob ng PBB house noon, hindi nawawala sa prayoridad ng Brazilian-Japanese model-actor ang pangangalaga sa kalusugan. “When I’m working a lot, I still ensure that I do push-ups kahit sa set na lang. Even in PBB, palaging pagod, puyat kami sa mga task. And even though, pagod, puyat, I exercise pa rin,” kwento ni Daniel.
Dahil dito, walang kaduda-duda ang pagiging favorite choice ni Daniel para maging brand ambassador ng San Marino Tuna Flakes na may dalawang variants -- in oil at hot & spicy.
Sobrang natuwa raw si Daniel nang malaman niyang siya ang napili to represent San Marino.
Bukod sa kasama palagi ang San Marino products sa healthy food choices niya, malaking bagay para kay Daniel na pinaniniwalaan niya ang produktong ine-endorso niya. “I have always been a regular patron of San Marino Corned Tuna. Now, I am happy that San Marino already has San Marino Tuna Flakes,” says Daniel.
Bukod sa masarap, gusto rin daw ni Daniel ang protein content ng San Marino Tuna Flakes, na kailangan niya para sa pagme-maintain ng kanyang hunk body.
“After I work-out, I eat tuna. Our body needs protein…protein talaga.
“I always bring a can of tuna to help on my daily protein requirements. How much our body needs depends on our weight.”
Dagdag pa ng health-conscious celebrity, “It’s important for me to be healthy and fit. Kasi sa totoo lang, 30% comes from physical activities and 70% comes from the food we eat. Tuna helps a lot. You need protein to maintain or gain muscles. And muscles are made of protein.”
Sa bagong commercial ng San Marino Tuna Flakes, makikita si Daniel na gumagawa ng iba’t ibang extreme outdoor activities.
Mahalaga raw talaga na magkaroon ng regular exercise, “You have to make time. Gusto kong maging fit. Gusto kong maging healthy. It’s part of my active lifestyle.”
Samantala, sa loob ng PBB house, mas nakilala pa ng publiko si Daniel, na bagamat walang dugong Pilipino ay naging magandang ehemplo sa mga Pinoy na manonood.
Kaugnay nito, mas ipakikilala pa ng San Marino Tuna Flakes ang kanilang bagong endorser para sa bagong campaign ng produkto, ang What’s New, What’s Next?
Gaganapin ngayon (Oct. 11) ang launching ni Daniel at ng bagong campaign ng San Marino Tuna Flakes na pinamagatang What’s New, What’s Next? Fair sa Mercato Tent sa Bonifacio Global City. (RG)
- Latest