^

PSN Showbiz

Anne international star ang aura sa kanyang indie film!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabogera ng taon ang peg ni Anne Curtis dahil rave na rave ang lahat sa ipinamalas niyang husay at galing sa trailer ng kauna-unahan niyang international indie movie, Blood Ransom, na magsisimula nang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa October 29 at sa Amerika sa October 31.

Mula sa panulat at direksyon ng Fil-Am na si Francis dela Torre, ang director ng Subject: I Love You,  isang international indie film din na nagbigay ng parangal bilang actor kay Jericho Rosales sa Newport Beach Film Festival nu’ng 2011, ginagampanan ni Anne ang papel ng female lead (bampira) na si Crystal sa nasabing romance thriller.

Si Crystal ang love interest ng kinatatakutang si Roman. Magkakaroon siya ng affair kay Jere­miah (Alexander Dreymon na kasalukuyang nasa bansa para tumulong sa promo ng movie), ang taong uutusan ni Roman para hagilapin at kidnapin ang nagtatagong si Crystal para ibalik sa kanya.

International star na international star nga ang aura ni Anne sa pelikula, lalo pa’t marami siyang maiinit na eksena kasama si Alexander Dreymon. Very Hollywoodish ang rehistro niya sa screen at ang lakas ng dating.

Siyempre, sobrang excited ang aktres at Showtime host sa nalalapit na Philippine premiere ng first international indie film niya na ang kabuuan ay kinunan sa Amerika.

Nag-audition si Anne para sa papel ni Crystal. Sey nga niya sa kanyang Twitter account, “I ac­t­ua­l­ly auditioned to get this part and got to expe­rience filming in the States! So excited to see how it turned out! Yaaaaahoooooo.”

Actually, hindi lang si Anne ang excited sa Blood Ransom, kundi maging ang libu-libo niyang followers at fans. Natural, ang long-time BF na si Erwan Heussaff, proud sa latest achievement ng kanyang lady love at very supportive sa bonggang itinatakbo ng showbiz career nito.

Pati ang kapatid nitong model-actress na si Solenn Heussaff, bumilib sa husay ni Anne. Ma­ging si Luis Manzano, excited nang mapanood ang international debut ng matalik na kaibigan.

Anyway, awkward and ‘most embarrassing moment of my life’ naman ang description ni Anne sa kissing scene niya with Hollywood actor Alexander Dreymon.

“Here in the Philippines, you don’t necessarily do French kiss. So, when we were shooting that scene, I did it the way I know how we do it. Just like that.

“And Direk Francis  kept on telling me, ‘oh, Anne, I need you to be more passionate.’ So this went on for several takes. And in my mind, I was thinking, may mali ba akong ginagawa?

“So, paulit-ulit and he’s like ‘okay, we’re gonna be a little more passionate, maybe longer.’ So, when he said longer, I really just put my lips and just kissed longer.

“And then finally, Drey (nickname ni Alexander Dreymon) just said, ‘oh, I think he just wants us to French kiss.’ And I said, ‘oh, okay!’ So, I did it!” pag-alala ni Anne.

Aminado si Anne na kabado siya kung anong magiging reaction ng fans sa kissing scenes and lovescenes nila sa pelikula lalo na nga’t malayo raw talaga ito sa mga eksenang ginawa niya sa iba niyang pelikula.

Kamuning Bakery bibigyan ng award ng QC

Pararangalan ang Kamuning Bakery ng pinakamataas na award ng Quezon City government,  ang Manuel L. Quezon Gawad Parangal Award sa Oktubre 12, 2014 (Linggo) sa Smart Araneta Coliseum.

Ibibigay ito sa Diamond Jubilee o 75 taong anibersar­yong pagdiriwang ng QC na pangungunahan nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte. Kilala bilang  Metro Manila’s original artisanal pugon-style bakery  mula 1939, ang mga customer nito ay mula ordinaryong tao, mag-aaral hangga’t sa mga celebrities, national artists at maging mga President ng republika. 

Itinatag ang Kamuning Bakery noong 1939 ni yumaong Atty. Leticia Bonifacio Javier  sa No. 43 Judge Jiménez Street corner K-1st Street, Kamuning, Quezon City, at ito’y binili ni real estate entrepreneur, college teacher at Phi­lip­pine Star columnist Wilson Lee Flores noong Disyembre 2013 para buhayin ulit ang mga magagandang tra­disyon nito sa mga tinapay, biscuits at cakes. Ang sikat na manunulat, movie scriptwriter at University of the Philippines (U.P.) Prof. Butch Y. Dalisay ang nag-nominate sa Kamuning Bakery para sa award na ito.

AMERIKA

ANNE

ANNE CURTIS

BLOOD RANSOM

DREYMON

KAMUNING BAKERY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with