JM de Guzman, makakapareha si Nadine Samonte sa MMK
MANILA, Philippines - Bibida ang Kapamilya actor na si JM de Guzman sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Oktubre 11). Gaganap siya sa upcoming episode bilang si Joeven, ang binatang nagawang iwasan ang binabaeng may gusto sa kanya sa tulong ni Rachel (gagampanan ni Nadine Samonte) na pumayag na magpanggap bilang girlfriend niya.
Posible nga bang mauwi sa seryosohang pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa kunwa-kunwarian?
Kasama nina JM at Nadine sa upcoming episode sina Neil Coleta, Karen Reyes, Almira Muhlach, Paco Evangelista, Elaine Quemel, Kim Molina, Dawn Jimenez, at Aina Solano. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 8 p.m. pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.
- Latest