Makulay na magpasikat ng It’s Showtime simula na
MANILA, Philippines – Inumpisahan na ng It’s Showtime ang isang buwang selebrasyon para sa ikalimang anibersaryo nito noong Oktubre 1 sa pamamagitan ng paglantad ng bagong bihis at makulay na anniversary logo bilang simbolo ng lahat ng uri ng madlang people.
Hinugot ang inspirasyon para sa logo mula sa theme song ng programa na kahit anumang kulay, lahi, at pinagmulan, maaaring magpasikat at makisaya. Opisyal na inumpisahan ang anniversary party ng isang masiglang dance medley mula sa hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kuya Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Coleen Garcia, Eruption Tai, at Vice Ganda.
Para makiisa sa selebrasyon, bumalik din sa It’s Showtime stage ang ilan sa mga naging kampeon at finalist ng iba’t ibang season ng programa kagaya na lamang ng True Colors, Next Level Octomix, Savannah Kids, Super Crew, D’ Bomb, and Astig Pinoy.
Huwag magpahuli sa party-party at makisaya sa engrandeng fifth anniversary celebration ng It’s Showtime ngayong Oktubre, 12:15 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at 12 n.n. tuwing Sabado sa ABS-CBN.
- Latest