^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian hindi pa tapos sa pagbabahay-bahay sa magiging ninong at ninang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang Christmas party in October ang nangyari sa stag party ni Dingdong Dantes na dinaluhan ng entertainment press noong Lunes at dahil holiday ang araw na ito, walang na-late nang dating as in early birds ang lahat.

Naisakatuparan ang send off party para kay Ding­dong dahil sa pagtutulungan ng GMA Network Inc. at PPL Entertainment Inc.

Mala-Christmas party ang send off party dahil invited ang halos lahat ng entertainment writers.

Ang sey ni Dingdong, big help sa kanyang career ang entertainment press na saksi rin sa pagsisimula ng love affair nila ni Marian Rivera.

Hoping si Dingdong na makakasama nila ni Ma­rian sa kasal nila sa December 30 ang entertainment writers. Sa totoo lang, gustung-gusto ng entertainment press na maimbitahan sila sa wedding of the year para masaksihan nila nang personal ang pag-iisang-dibdib nina Marian at Dingdong.

Hindi pa masabi ni Dingdong ang kumpletong detalye ng kasal nila ni Marian dahil nasa proseso pa sila ng pagdalaw sa mga tahanan at pakikipag-usap sa kanilang mga future ninong at ninang.

Very Filipino ang ginagawa ng dalawa dahil nakagisnan na natin ang kaugalian na personal na nakikipag-usap ang mga ikakasal sa mga tao na napili nila bilang mga pangalawang magulang.

Nag-promise si Dingdong na malalaman ng entertainment press ang full details ng kasal kapag naayos na ang mga dapat ayusin.

Ang send off party noong Lunes ang second party para kay Dingdong bago ito lumagay sa tahimik. Nabigyan na siya ng stag party ng kanyang mga kaibigan noong third week ng September sa Germany.

Masaya ang send off party para kay Dingdong dahil sa games na sinalihan ng showbiz press.

Kilalang-kilala na nga ng mga reporter si Dingdong dahil memoryado nila ang waistline, shoe size, favorite perfume, at ibang mga personal na impormasyon tungkol sa fiancée ni Marian.

Siyempre, may mga premyo na natanggap ang mga reporter na nag-win.

Naglaro rin ang mga reporter ng walang kamata­yan na Pinoy Henyo na tungkol din sa personal na buhay ni Dingdong ang mga pinahulaan.

May mga na-tense kaya hindi agad nasagot ang mga pinahulaan sa Pinoy Henyo. Aliw na aliw si Dingdong sa mga reporter na nakasagot sa mga naughty question na hindi ko puwedeng isulat dahil baka mabasa ng mga bagets. Alam n’yo naman na pinipilit ko na maging child-friendly ang column ko ‘huh!

Pia nasorpresa sa kanyang 50th birthday!

Golden girl na pala si Pia Magalona, ang bi­yuda ni Francis Magalona. Nag-celebrate si Pia ng 50th birthday noong Lunes, October 6, at hindi niya natunugan ang surprise party na inihanda ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Dalawang araw lang ang tanda ni Francis kay Pia. Ginunita ng Magalona family ang 50th birth anniversary ng King of Rap noong October 4. Kung nabubuhay si Francis, baka nagsabay pa sila ni Pia sa celebration ng kanilang 50th birthday.

Showbiz personality na haligi ng industriya babalik na sa showbiz

Isang mapagkakatiwalaan na source ang nagkuwento sa akin tungkol sa negosasyon na nagaganap sa pagitan ng isang sikat na showbiz personality at ng major TV network.

Wish ko lang, matuloy na ang pagbabalik-showbiz ng sikat na showbiz personality na miss na miss na ng kanyang fans.

It’s about time na masilayan uli ng publiko ang showbiz personality na bahagi na ng history ng local entertainment industry.

DAHIL

DINGDONG

ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT INC

FRANCIS MAGALONA

KING OF RAP

PARTY

PINOY HENYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with