^

PSN Showbiz

Show ni Jessica mas mga bago ang kuwento kesa sa Rated K ni Korina!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang Presidential Security Group sa kanto ng West Capitol Drive at United Street, Pasig City noong Linggo dahil kumain si President Noynoy Aquino at ang kanyang mga kapatid sa isang Japanese restaurant. Ipinagbawal na magparada ang mga private vehicle sa paligid ng Japanese restaurant na pinuntahan ni P-Noy.

SCENE: Sina Aiza Se­guerra, Rocco Nacino, at Kris Bernal ang ilan sa mga nag-perform ng libre sa benefit concert para kay Tia Pusit noong Linggo. Mga organizer ng concert for a cause sina Lotlot de Leon, Sherilyn Reyes, Elaine Carriedo, Marithez Samson, at Yayo Aguila.

SEEN: Bukas, October 8, ang libing ni Tia Pusit sa Holy Cross Memorial Park, Novaliches, Quezon City.

SCENE: Parang magkapatid lang si Jose Manalo at ang kanyang anak na si Nicco Manalo na may importanteng role sa The Janitor. Payag si Nicco na makasama sa isang project si Jose dahil magiging negative ang imahe niya kung aayaw siya na makatrabaho ang kanyang ama.

SEEN: Ang first time guesting ni Dennis Trillo sa The Buzz noong Linggo dahil nag-promote siya ng The Janitor. Exclusive contract star si Dennis ng GMA 7 kaya ipinagpaalam pa niya sa network management ang guesting sa The Buzz.

SCENE: Negative ang reaksyon ng fans ni Marian Rivera sa larawan nina Popoy Caritativo at Heart Evangelista na magkayakap at may caption na “I was happy to see this lovely bride-to-be. I missed you. See you again soon” na sinagot ni Heart ng “Yes Popoy same here. See you soon.” Si Popoy ang ex-manager ni Marian.

SEEN: Nasayang ang oras ng Rated K noong Linggo dahil luma at hindi interesting ang mga subject sa O Ha? segment ng programa ni Korina Sanchez sa ABS-CBN. Dapat panoorin ng mga researcher at segment producer ng Rated K ang Kapuso Mo, Jessica Soho na mga bago ang mga kuwento at subject na tinatalakay.

ANG PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

DENNIS TRILLO

ELAINE CARRIEDO

HEART EVANGELISTA

HOLY CROSS MEMORIAL PARK

LINGGO

RATED K

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with