^

PSN Showbiz

Babaeng walang kredibilidad pilit na pinanindigan ang pang-aabuso raw ng actor!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“You know what you did. It’s not yet over” ang banta ng isang girl laban sa aktor na sinampahan niya ng kaso.

Hindi ko na sasabihin ang name ng girl dahil baka sumikat pa siya.

Tama na ‘yung alam natin na hindi consistent ang mga pahayag ng girl laban sa diumano’y pang-aabuso sa kanya ng aktor. Enough na rin na nalaman natin na fake ang edad ng ginamit ng girl nang sumali ito sa isang contest kaya kinukuwestyon ang kanyang credibility.

Maraming artista nagbigay pugay sa mga guro

Kulang ang pangalan ng mga artista na nagpaligaya sa mga teacher na dumalo sa grand gathering na nagkaroon ng katuparan dahil sa tulong at suporta ng Gabay Guro.

Hindi lamang si Pops Fernandez, The Voice Kids at ang mga stand up comedian ang nag-perform. Umapir din sa tribute para sa mga guro sina Rachel Alejandro, Sam Milby, Manilyn Reynes, Dingdong Avanzado, Jonalyn Viray, Dulce, Jodi Sta. Maria, Derek Ramsay at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Taos-puso ang pasasalamat ni Gabay Guro Chairman Chaye Cabal-Revilla sa mga artista na mabilis na tinanggap ang imbitasyon para mag-perform sa annual grand gathering ng mga teacher.

Napuno ng mga teacher ang malawak na lugar ng Mall of Asia Arena. Hindi talaga sila umalis hangga’t hindi natatapos ang program kaya nag-overtime ang super successful event ng PLDT Gabay Guro.

Coco mas lalong hinangaan sa pagharap sa Gabriela

Nagharap na kahapon si Coco Martin at ang mga officer ng GABRIELA, ang women’s group na nagreklamo laban sa pagrampa niya sa The Naked Truth, ang kontrobersyal na denim and underwear fashion show ng Bench.

Nag-apologize si Coco sa GABRIELA, kahit marami ang nagsasabi na wala siyang kasalanan sa nangyari.

Nalaman ko ang early meeting kahapon ng magkabilang-panig dahil kinunan ito ng Startalk crew.

Kasama ni Coco ang kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan. All’s well that ends well dahil nagkaayos si Coco at ang GABRIELA.

Lalong hinangaan si Coco sa kanyang ginawa. Nag-reach out siya sa GABRIELA at nangako na susuportahan ang mga advocacy ng grupo.

Kung ibang artista ang nasa lugar ni Coco, baka dinedma lang nila ang protesta ng GABRIELA na numero uno sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mga kababaihan.

Regal naGku-concentrate sa horror films?!

Natapos kahapon nang madaling-araw ang shooting ng Flight 666, isa sa tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll 15, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Starring sa Flight 666 sina Kim Atienza, Lovi Poe, at Matteo Guidicelli.

Kinunan sa loob ng tunay na eroplano ang mga eksena ng Flight 666, somewhere in NAIA.

Mabilis na nakumpleto ang shooting ng Flight 666 dahil walang mga usisero sa set at naayos ang schedule ng mga artista. Ang filming ng Flight 666 ang reason kaya hindi naka-apir si Lovi sa fashion show ng Bench.

Napansin ko na puro horror films ang ginagawa ng Regal Entertainment Inc. Bago ipalabas sa mga sinehan sa December 25 ang Shake, Rattle & Roll 15, ang Dilim muna ang mapapanood. Mga bida sa Dilim sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Rafael Rosell, at Joross Gamboa.

Sina Kylie at Rayver muna ang ipina-presscon ni Mother Lily Monteverde dahil sa mga out-of the-country show ni Rayver na malapit nang magkaroon ng girlfriend sa katauhan ni Kylie.

 

COCO

COCO MARTIN

DEREK RAMSAY

DILIM

DINGDONG AVANZADO

GABAY GURO

GABAY GURO CHAIRMAN CHAYE CABAL-REVILLA

REGAL ENTERTAINMENT INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with