^

PSN Showbiz

Maricar de Mesa nakakuha na ng kapalit sa asawa?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kitang-kita kina Ryzza Mae Dizon at Alonzo Muhlach ang pagiging instant playmates na animo’y playground ang shooting ng Prinsesa episode ng My Big Bossing’s Adventures na pinagbibidahan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) box-office king at TV si Vic Sotto.

Kitang-kita ni Niño Muhlach at ng ina ni Ryzza Mae na si Rizza na magkasun­dung-magkasundo ang dalawang bagets kaya sa tuwa ng dating Child Wonder ay binilhan niya ang dalawa ng Minion bed at ipina-deliver sa shooting ng movie nila last Saturday afternoon.

Walang pakialam si Ryzza Mae na inilatag kaagad ang kanyang bagong Minion bed sa sahig at hinigaan kahit naka-costume na siya at malapit na ang take.

Nakikipagkuwentuhan kami sa mommy ni Ryzza Mae na si Rizza nang dumating ang isang matangkad at guwapong guy na pumasok sa loob ng make-up room kung saan natutulog noon sina Maricar de Mesa at Nikki Gil. Kasunod ng guy ang isang gayfriend ni Maricar na may bitbit na bouquet of red ro­ses na galing umano kay Joe (first name ng guy). Umupo sa gilid ng kama si Joe na nakaharap sa nakahigang si Maricar sa kanyang folding chair.

Dahil matangkad, ang buong akala namin ay basketball player ito ng UAAP lalupa’t alam natin na ang ex-husband ni Maricar na si Don Allado ay dating cager.

Natawa sa amin si Maricar nang casual namin itong tanungin kung basketball player si Joe (hindi namin nakuha ang kanyang apelyido).

Warm at friendly si Joe at tiyak na marami ang maiinggit kay Maricar dahil bukod sa matangkad ay guwapo ito at mukhang artistahin.

Sa aming brief conversation, sinabi nito na naghahanap siya ng isang business na kanyang itatayo with his friends in Manila. Meaning, staying for good na sa Maynila si Joe. Dahil kaya kay Maricar?

ALONZO MUHLACH

CHILD WONDER

DAHIL

DON ALLADO

MARICAR

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BIG BOSSING

NIKKI GIL

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with