^

PSN Showbiz

Alex effortless na nasapawan si Toni sa sariling concert

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Nagpaparamdam na gustong lumantad at magsalita ni Manuel Montero, ang missing star witness sa brutal na pagpatay kay Ruby Rose Barrameda, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

SCENE: Ang Starstudio Magazine ng ABS-CBN Publishing Inc. ang host ng successful viewing party ng Season 2 ng It Take Gutz to be a Gutierrez na ginanap sa 71 Gramercy noong Biyernes. Mamayang gabi ang season premiere telecast ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E!

SEEN: Ang pakikiramay ng pamilya ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa mga naiwan na anak ni Tia Pusit na isang Estrada loyalist at tumulong sa pangangampanya noon ni Erap.

SCENE: Ipinagdiwang kagabi sa Master Showman ang kaarawan ni German Moreno. Walang nakakaalam sa tunay na edad ni German dahil tatlo ang petsa ng birthday niya na nakalagay sa Wikipedia, October 4, 1933, October 4, 1943 at October 4, 1945.

SEEN: Pinanood ni Mariel Rodriguez ang Celestine, ang 15th anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Mall of Asia Arena noong Biyernes. Ang panonood ni Mariel ang pruweba na kinalimutan na nila ni Toni ang kanilang mga hidwaan noon.

SCENE: Ang It’s All Coming Back To Me Now at Fancy ang mga kinanta nina Toni at Alex Gonzaga sa kanilang showdown sa Celestine. Effortless na sinapawan ni Alex si Toni sa kanilang production number.

SEEN: Nagtatanong ang fans ni Jennylyn Mercado tungkol sa press release noong May na magkakaroon siya ng major concert sa Araneta Coliseum ngayong October. Wala nang balita tungkol sa concert ni Jennylyn.

SCENE: Ang dalawang magkasunod na taon na press release ni Mark Herras na nagpapalaki ito ng katawan dahil rarampa siya sa Cosmo Bash. Ni anino ni Mark, hindi nakita sa nakaraan na Cosmo Bash.

ALEX GONZAGA

ALL COMING BACK TO ME NOW

ANG IT

ANG STARSTUDIO MAGAZINE

ARANETA COLISEUM

BIYERNES

COSMO BASH

GERMAN MORENO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with