^

PSN Showbiz

Mga programa sa hapon ng Kapamilya, dumami ang nanonood!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatiling mas pinapanood ang mga prog­ama ng ABS-CBN noong Setyembre sa natamo nitong ave­rage total day audience share na 43%, o pitong puntos na mas mataas sa 36% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Maging sa probinsiya ay mataas ang rating ng Kapamilya shows base pa rin sa Kantar.

Patuloy rin silang hindi binibitiwan sa primetime (6 p.m.-12 m.n.) dahil sa average audience share na 48%. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood.

Mas dumami rin ang kumapit sa late afternoon (3 p.m.-6 p.m.) block o mga panghapong prog­rama. Ang mga bagong Kapamilya Gold na binubuo ng Kapamilya Blockbusters, current affairs programs na Bistado, Mutya ng Masa, My Puhunan, Tapatan ni Tunying, at Red Alert, at ang nagbabalik na game show ni Judy Ann Santos na Bet on Your Baby ang nagpaigting sa nasabing time block.

Nasungkit din ng network ang lahat ng pwesto sa listahan ng sampung ina­abangan.

Numero uno pa rin ang longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya dahil sa average national TV rating na 29.6%. Sinundan ito ng Hawak Kamay (28.7%), TV Patrol (28.2%), Wansapanataym (27.7%), Ikaw Lamang (27.5%), Home Sweetie Home (24.9%), Rated K (22.4%), Pure Love (22.3%), Mga Kwento ni Marc Logan (21.3%), at Goin’ Bulilit (21.1%).

HAWAK KAMAY

HOME SWEETIE HOME

IKAW LAMANG

JUDY ANN SANTOS

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA BLOCKBUSTERS

KAPAMILYA GOLD

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with