^

PSN Showbiz

Gretchen natupad ang pangarap kay John Lloyd

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit guest role lamang ang ginawa ng child-star-in-the making na si Alonzo Muhlach, ang 4-year-old son ni Niño Muhlach, masayang-masaya ang bagets sa kanyang first movie appearance sa  The Trial, isang family-oriented drama movie na tinatampukan nina John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Enrique Gil, Benjamin Alvez, Maricar Reyes, at marami pang iba mula sa direksiyon ng award-winning director na si Chito Roño under Star Cinema.

Kung first movie ni Alonzo ang The Trial, first MMFF movie naman ng bunso ni Onin ang My Big Bossing’s Adventures na mapapanood naman nationwide on December 25.

Samantala, kaabang-abang ang pelikulang The Trial dahil kakaibang John Lloyd Cruz ang mapapanood ng publiko.

 “Nagpapasalamat ako sa kanilang mga papuri.  I just did my best bilang actor at hinihingi ng aking role,” pahayag ni John Lloyd na habang tumatagal ay lalong humuhusay bilang isang de kalibreng actor.

Inamin din ni Gretchen Barretto na natupad ang isa sa mga pangarap niya, ang makatrabaho si John Lloyd  sa pelikulang ito.

Tia Pusit naging makulay ang lovelife

Isang buwan lamang halos ang pagitan nang pag­yao ng dalawang kilalang personalidad sa showbiz, ang character actor na si Mark Gil na binawian ng buhay last September 1 sa sakit na cancer at ang komedyanang si Tia Pusit (Myrna Villanueva sa tunay na buhay) na sumakabilang buhay nung late night ng October 2 sa Philippine Heart Center kung saan siya sumailalim ng double heart bypass operation last September 9. Pero sa kabila ng operasyon, hindi na naka-recover ang nakababatang kapatid ng aktres na si Nova Villa.

Kahit nakaburol ngayon ang mga labi ni Tia Pusit, tuloy pa rin ang benefit show para sa kanya na gaganapin sa Zirkoh Comedy Bar along Tomas Morato in Quezon  City ngayong linggo (October 5) ng gabi.

Nakilala ang comic character na Tia Pusit sa pa­ma­magitan ng sikat na weekly sitcom noong dekada otsenta ng IBC-13, ang Eh Kasi Babae. Since then pinangatawanan na ni Myrna Villanueva ang kanyang screen name na Tia Pusit na siyang nakilala ng publiko sa loob ng halos apat na  dekada nito sa showbiz.

Bukod sa mga nagawa nitong programa sa tele­bisyon at pelikula pati personal appearances, na­ging makulay din ang buhay-pag-ibig ni Tia Pusit na ang pinakahuli ay ang napabalitang planong pagpapa­kasal nito sa isang 27-year-old call center agent na nagngangalang Nathan Villa.  Pero hindi naisakatuparan ang nasabing plano na nauwi lamang sa ka­nilang paghihiwalay.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

BENJAMIN ALVEZ

GRETCHEN BARRETTO

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MYRNA VILLANUEVA

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with