^

PSN Showbiz

Alam naman ng lahat na di na magkakaanak Mommy D. gumigimik lang para pag-usapan?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko sineseryoso ang pralala na gusto ni Dionesia Pacquiao na magkaroon sila ng anak ng kanyang boyfriend na si Michael Yamson.

Actually, hindi ako nag-iisa dahil marami kami na umarko ang kilay sa bagong pasabog ni Mommy D.

Alam naman nating lahat na hindi na puwedeng magbuntis at magkaanak ang karakter na madir ni Congressman Manny Pacquiao.

Baka type lang ni Mommy D. na mapag-usapan siya dahil nakaka-feel siya ng boredom.

Kung may babae na puwede pa na magbuntis, si Jinkee Pacquiao ‘yon at hindi ang kanyang biyenan. Sumuko na nga si Jinkee sa pagbubuntis kaya bakit seseryosohin ang pralala ni Mommy D?

Mabuti na lang, wala sa isip ni Michael na magbunga ang pagmamahalan nila ni Mommy D. At least, bukas ang isip ni Michael sa katotohanan na never nang magbubuntis ang sexagenarian girlfriend niya .

 ‘Yun nga lang, may bad effect ito dahil may mga nagmamalisya na may ibang motibo ang pakikipagrelasyon ni Michael  kay Mommy D., itsurang paulit-ulit ang pagsasabi niya na malinis ang kanyang intensyon.

Showbiz nagluluksa sa pagbabu ni Tia Pusit!

Nakikiramay ako sa mga naiwan ni Myrna Villanueva aka Tia Pusit na nagpaalam sa mundong ibabaw noong Huwebes ng gabi.

Ipinagluluksa ng showbiz ang pagpanaw ni Tia Pusit na matagal-tagal din na pinaligaya ang taumbayan sa pamamagitan ng talent niya sa pagpapatawa.

Nagtataka ako dahil marami ang nagulat nang malaman nila na magkapatid sina Tia Pusit at Nova Villa. Masyado ba silang mga busy kaya hindi nila alam ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa?

Kung may Toni at Alex Gonzaga, Melissa Mendez at Glenda Garcia, Anne Curtis at Jasmine Curtis Smith, may Nova Villa at Tia Pusit.

Isang bagay lang ang gumugulo sa isip ko, kung sino kina Mama Nova at Tia Pusit ang mas matanda.

Sa pagkakaalam ko, si Mama Nova ang Ate ni Tia Pusit pero nakadagdag sa kalituhan ang news report na nabasa ko na older sister ni Mama Nova si Tia Pusit.

April 16, 1947 ang birthday ni Mama Nova at 66-years old si Tia Pusit. Malinaw na mas matanda si Mama Nova kesa sa kanyang kapatid na nag-goodbye earth kaya nakadagdag confusion ang report na nabasa ko.

Kabilang si AiAi Delas Alas sa mga nagluluksa sa pagpanaw ni Tia Pusit.

Wala sa Pilipinas si AiAi dahil may show siya sa Abu Dhabi at kasama niya sa biyahe ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Nang magpamisa si AiAi sa kaarawan ni Virgin Mary noong September 8, kabilang sa mga ipinagdasal sa Holy Mass sina Tia Pusit, Boy Abunda, at Batangas Governor Vilma Santos.

Dumalo sa Holy Mass si Mama Nova at ipinagdasal niya ang kalagayan ni Tia Pusit.

Hindi nakarating si Mama Vi na sinumpong ng ulcer at ganoon din si Kuya Boy na nagpapagaling ng mga panahon na ‘yon.

Back to her old self si Mama Vi dahil mabuti na ang kanyang pakiramdam. Bukod sa ulcer, dinamdam ni Mama Vi ang untimely demise ng kanyang trusted friend and confidante na si Aida Fandialan.

Masigla na rin si Kuya Boy na napapanood na uli sa mga television show niya sa ABS-CBN.

Malapit na magkaibigan sina AiAi at Tia Pusit. Sure ako na dinamdam at ikinalungkot ni AiAi ang pagkawala ng kanyang kaibigan.

HOLY MASS

KANYANG

MAMA

MAMA NOVA

MAMA VI

MOMMY D

PUSIT

TIA

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with