Andrea at Mikael panay ang tawanan sa kanilang pagpapa-sexy
Napansin ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Ang Lihim ni Annasandra ang lihim na pagtatawanan nina Mikael Daez at Andrea Torres kapag ipinapakita ang teaser ng kanilang sexy scenes.
May naaalaala ba ang dalawa o hindi sila makapaniwala na magagawa nila na magpaseksi sa bagong afternoon teleserye na kanilang tinatampukan kaya nagbubulungan at nagtatawanan sila?
Hinog na hinog na si Andrea para sa mga daring and sexy role dahil nasa legal age na siya. Maraming sexy star ang masasapawan ni Andrea kung seseryosohin nito ang pagpapaseksi sa TV, pelikula, at mga pictorial.
Thankful si Andrea sa GMA 7 dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagbibida sa Ang Lihim ni Annasandra.
Walang afternoon teleserye na papalitan ang Annasandra dahil hindi pa naman matatapos ang Dading at ang The Half Sisters na extended ang airing dahil sa mataas na ratings. Sa Lunes na ang pilot telecast ng Ang Lihim ni Annasandra.
Rochelle at Arthur hindi naglilibrehan ng bayad ‘pag kumakain
Starring din sa Ang Lihim ni Annasandra ang real life lovers na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, ang pinsan ni Dingdong Dantes.
Matagal nang may relasyon sina Rochelle at Arthur pero wala pa silang balak na sundan ang pagpapakasal nina Dingdong at Marian Rivera sa December 30.
Ideal ang relationship nina Rochelle at Arthur dahil sa tuwing may mga date sila, KKB o kanya-kanyang bayad ang dalawa. Hati sina Rochelle at Arthur sa lahat ng gastos dahil sa kanilang acceptable reason na pareho naman sila na may trabaho at kumikita.
Natuwa nga si Rochelle dahil magkasama sila ni Arthur sa bagong afternoon teleserye ng GMA 7. At least, pareho sila na may pinagkakaabalahan at kumikita. Makakatipid pa sila sa gastos sa gasolina dahil puwedeng sabay na pumunta ang dalawa sa taping ng Annasandra.
Cris at Joyce panay ang englisan sa taping
Nanay naman ni Mikael Daez ang role ni Joyce Burton, ang former beauty queen na nagbabalik-akting sa Ang Lihim ni Annasandra.
Inglisera at sosyalera na madir ang karakter ni Joyce at kasabwat niya sa pang-aapi kay Annasandra si Cris Villonco bilang Lorraine Armanda, ang model na gagawin ang lahat para mahalin siya ni William (Mikael Daez).
Sina Joyce at Cris ang madalas na magkasama sa mga eksena ng Annasandra. Dahil mga socialite at Inglisera sa tunay na buhay, natatawa si Cris nang ikuwento nito na wala silang ginawa ni Joyce sa set kundi ang mag-Inglisan nang mag-Inglisan.
Sa totoo lang, mababait at hindi mga mata-pobre na mga socialite sina Cris at Joyce. Hindi sila kagaya ng ibang mga aktres na naging sosyal lang nang magkaroon ng mga asawa at boyfriend na mayayaman. Mga aktres na peke at trying hard ang kasosyalan. Mga aktres na hobby ang mag-social climbing.
Mama Salve, may idea ka ba kung sinu-sino sila? Can you name them?
Si Ariel, hindi si Maverick!
May correction please ako sa column item ko kahapon tungkol kay Cristina Decena na nilinaw ko na ex-girlfriend at hindi ex-wife ni Phillip Salvador.
Itinuwid ko kasi ang maling balita ng isang radio reporter na may-bahay ni Ipe si Cristina dahil si Ariel Villasanta aka Maverick ang tunay na dyowa ng controversial businesswoman.
Lumilipad ang isip ko kaya incomplete ang pagpapakilala ko kay Ariel dahil imbes na Ariel Villasanta aka Ariel ng Ariel and Maverick, aka Maverick lang ang nailagay ko. Si Maverick Relova ang kasangga ng ex-husband ni Cristina sa Ariel & Maverick Duo.
- Latest