^

PSN Showbiz

Gusto pa sanang magkaanak Mommy D. at BF na 40 years old, nagli-live in na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Seksing-sexy si Andrea Torres sa press launch ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Ang Lihim ni Annasandra na magsisimula sa afternoon prime ng GMA 7.

Sa presscon pa lang ay ipinakita na ni Andrea ang kaseksihan niya dahil iyun daw ang pinakamapangahas niyang serye na kung saan tuwing nagbabago ito ng anyo bilang awok o aswang ay nakahubad siya habang unti-unti siyang tinutubuan ng balahibo.

Mabuti at kampante naman daw si Andrea sa mga leading men niyang sina Mikael Daez at Pancho Magno na hunk na hunk din sa naturang serye.

PAK: Mabilis na “hindi” ang sagot ni Vic Sotto nang tinanong siya tungkol sa napapagkuwentuhang ipinapagawa na raw niya ng bahay si Pauleen Luna.

 “Darating tayo diyan,” tipid niyang sagot.

Pero meron daw silang plano sa kanilang future at hindi naman daw nila ito itatago.

Hindi na rin sila nagpapaapekto sa mga pumupuna pa rin sa kanilang relasyon. Ang mahalaga, nagkakasundo raw sila ni Pauleen.

Sabi niya nang nakausap sa set ng Metro Manila FilmFestiva o MMFF entry niyang My Big Bossing: “I think its the age difference kasi maaring malayo ‘yung edad namin pero ang pag-iisip ni Pauleen is  medyo may edad na at ako naman ang pag-iisip ko medyo may pagka-bata so nagmi-meet din.”

BOOM: Nagbigay ng exclusive interview si Mommy Dionisia kasama ang boyfriend niyang si Michael Yamson sa Startalk na mapapanood bukas ng hapon.

Inamin ng magkasintahan na nagli-live in na sila habang hinihintay ni Michael ang pagsakay niya sa barko, at ang libangan daw nilang dalawa ay mag-videoke dahil mahilig sila kumanta.

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ang magpakasal, pero doon din daw ang kahahantungan nila.

Pati nga ang magkaanak ay kinukunsider pa rin ni Mommy Dionisia dahil may ibang paraan naman daw, pero ayaw na raw ng boyfriend.

Sabi ni Mommy Dionisia: “Gusto tarang i-inject sa kanyang semilya sa aking kuwan. I-inject na lang. Ayaw niya.

“Pag magkaanak ka sa edad mo, baka mamatay ka. Wala na akong asawa. Natatakot akong ayoko, takot siya. ‘Di na puwede day. Huwag na. Takot ako, baka mawala sa akin, ayoko.”

                                                     

 

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

DAW

METRO MANILA

MICHAEL YAMSON

MIKAEL DAEZ

MOMMY DIONISIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with